Babae patay sa pamamaril sa Maynila
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae patay sa pamamaril sa Maynila
MAYNILA — Patay ang isang babae sa Barangay 732 sa Malate, Maynila matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga salarin sa loob mismo ng kaniyang bahay, mag-aalas-10 ng gabi nitong Linggo, Nobyembre 10.

Sa Arellano Street pumasok ang mga suspek at sa San Isidro Street naman dumaan ang mga ito nang patakas na, ayon sa isang opisyal ng barangay

Nakita sa CCTV ang pagdating sa bahay ng biktima kung saan kumatok ang isa sa mga suspek at dito na nagpaulan ng bala. Kasama ng biktima sa bahay ang 11 anyos na anak na lalaki nang mangyari ang krimen.

“Nakarinig nga po kami ng walong putok ng baril, at nung narinig po namin 'yun, dali-dali kaming pumunta rito at noong pagpunta ko po rito nakasalubong ko pa nga po 'yung dalawang gunmen at isa nga sa gunmen ay tinutukan pa nga ako ng baril, tapos sinabihan ako ng ‘tabi,’” ani Kagawad Coco Reyes.

Apat na tama ng bala sa ulo umano ang tinamo ng biktima. Agad itong dinala sa ospital ang biktima, pero idineklara ring dead on arrival.

“Akala namin may hinahabol na magnanakaw, yung mga pulis, kaya [iniiwasan] naming matamaan kami ng ligaw na bala, dumapa na kami sa sahig tapos mga anak ko sinigawan ko, dumapa kayo,” ani Bel Awat, kapitbahay ng bitkima.

Kwento naman ng asawa ng biktima na si alyas Rey, kauuwi lang ng kanyang mag-ina nang mangyari ang krimen. Akala niya umano ay putok ng kwitis lang ang mga putok ng baril.

“Di ko akalain na ganun ang ginawa sa kanya, na halos lahat ng bala sinalo ng katawan niya, 'di siya tinigilan hanggang sa mawalan siya ng hininga,” sabi ni Rey.

“Sana mahuli rin kayo… may pamilya rin kayo, kung may anak kayo may anak ako, na-trauma anak ko, sa harapan niya bumagsak ang… bumagsak sa harap niya nanay niya na duguan,” dagdag niya.

Isa sa mga tinitignang motibo ang utang na 'di nababayaran ng biktima.

“Alam ko sa ano eh, kasi may death threat na siya noon, binalewala lang namin 'di namin inakala na ganito hahantong… Dahil doon sa wala namang pambayad eh, tsaka nalugi rin tindahan namin pero tinutulungan ko asawa ko na makabayad,” ani Rey.

“Base po dun sa record namin sa barangay, tinitignan po talagang puno’t dulo eh mga utang, may mga multiple cases po kasi kami na naka-blotter po siya for loans,” ayon sa kagawad.

“Sa ngayon, tuloy tuloy 'yung ginagawang follow up operation… tinitingnan natin lahat ng anggulo dun at isa sa tinitignan na mga motibo dahil maraming pagkakautang itong ating biktima,“ ani Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District.

Patuloy ang imbestigasyon at pagtugis ng Manila Police District sa mga salarin.