SAPUL SA CCTV: Guard tinamaan ng humaharurot na kotse sa Clark Freeport Zone | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Guard tinamaan ng humaharurot na kotse sa Clark Freeport Zone

ABS-CBN News,

Gracie Rutao

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang pagsagasa ng isang itim na kotse sa security guard ng Clark Development Corporation nitong Linggo ng umaga.

Kita sa video ang mabagal na paglalakad ng guwardiya sa exit point ng Clark Freeport Zone Main Gate nang bigla na lamang itong banggain ng humaharurot na kotse.

Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang guwardya at nasugatan. Natanggal din ang kaliwang side mirror ng bumanggang kotse.

"Malayo pa ho 'yung sasakyan at kaya ko pa pong tumawid sa kabila. Ayun po, nagulat na lang po ako umikot po 'yung paningin ko bigla na akong mablackout. Mabilis 'yung sasakyan siguro kasi malayo pa noong una kong tingin," ayon sa guard na si Gilbert Lopez Tabing.

ADVERTISEMENT

"Mabilis po doon sa CCTV na ipinakita nila, mabilis po siya. Dapat po kasi gate 'yun, dapat di ba nag-i-slow down dapat sila doon," ani PMaj. Francisco Guevarra Jr., acting chief ng Angeles City Traffic Enforcement Unit.

 SUMUKO

Kaagad binigyan ng paunang lunas si Tabing at itinakbo sa ospital.

 Sa pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa Land Transportation Office, nakilala ang may-ari ng itim na kotse na nakabangga sa guwadya.

Sabi ni Guevarra, sumuko ang may-ari ng kotse sa security personnel ng Clark. Hindi aniya huminto ang driver matapos ang pagbangga dahil "natakot" umano ito.

Nag-uusap na ang dalawang kampo na aregluhin ang nangyari kung saan sasagutin ng driver ng kotse ang mga gastos sa pagpapagamot ng binanggang security guard.

 Ayon sa mga awtoridad, nagtatrabaho sa isang call center sa Clark ang driver ng kotse at pauwi na sana ng mga oras na iyon, kaya posibleng pagod at puyat umano ito kaya nakabangga.

"Lagi po tayong mag-focus sa ating mga dinadaan. Kung puwede po, although hindi po siya nakainom, huwag po tayong iinom ng alak kung magda-drive po tayo," ani Guevarra.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.