20-anyos na lalaki arestado sa kasong statutory rape

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

20-anyos na lalaki arestado sa kasong statutory rape

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Matapos ang ilang buwang pagtatago, nasakote ng mga otoridad ang isang 20 anyos na lalaki na wanted sa kasong statutory rape sa Caloocan.

Ayon kay Police Major Jansen Tiglao, Hepe ng investigation section ng Caloocan Police, top 9 most wanted ng Northern Police District ang suspek na namamasukan din bilang isang construction worker.

Nung December 2023 nilabasan po ito ng warrant ng korte. Agad po natin sinerve itong warrant of arrest, [pero sa] kasamaang palad, hindi po natin siya nakuha nung panahon na yon. So nagkaroon po tayo ng tip galing sa barangay na itong ating akusado ay andoon sa area. Agaran natin pinuntahan para iserve yung kanyang warrant,” sabi ni Police Major Tiglao.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nanggahasa umano ng isang 11-anyos na babae ang suspek. 

ADVERTISEMENT

Matagal na umanong kaibigan ng suspek ang biktima.

“Base po doon sa imbestigasyon natin itong akusado, biktima at ibang kaibigan ay nag-iinuman nung panahon na yon. After nila mag inuman nangyari nga po yung hindi inaasahang insidente na yon. Nung kinabukasan po itong biktima ay nagsumbong sa kanyang tatay,” dagdag ni Police Major Tiglao.

Maayos namang sumama sa mga otoridad ang suspek, na itinanggi ang nasabing krimen.

“Hindi naman po ako yung gumalaw. 'Yung tropa ko napagbintangan lang po ako. Siguro po baka may galit yung magulang sa akin. Ilalaban na lang po ito. (sa korte),” sabi ng suspek.

Inihahanda na ang mga dokumento para sa return of warrant ng suspek sa Caloocan RTC Branch 131.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.