Clearing operation isinagawa sa Port Area, Tondo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Clearing operation isinagawa sa Port Area, Tondo
Jeck Batallones,
ABS-CBN News
Published Feb 22, 2024 06:04 PM PHT
|
Updated Feb 22, 2024 06:59 PM PHT

Nagsagawa ng clearing operation ang pinagsanib na pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau Huwebes ng hapon sa Maynila.

Una nilang pinuntirya ang Road 10 sa Port Area at tiniketan ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalye. Ang mga sasakyang walang driver, isinakay sa tow truck.

Sunod na pinuntahan ang Moriones street at nabulabog ang sidewalk vendor. Isang kotse ng isang barangay kagawad ang nasampolan at tinow ang kotse patungo sa impounding area sa Tumana, Marikina.

Isang vehicle owner naman ang umalma nang tiketan dahil sa kasong illegal parking. Katwiran ni Joel Buenafe, nagkakarga lang siya ng gamit at hindi siya magtatagal. Ipinunto pa nya na may driver naman siya na naiwan sa sasakyan.

Pero sa kabila nito, tiniketan pa rin siya na may multa na P1,000.

Payo ni Gabriel Go, OIC ng Special Operations Group-Strike Force, sa mga vehicle owners dapat bago bumili ng sasakyan ay siguraduhin na may paparadahan ng maayos.

Giit niya: “Naiintindihan naman natin sila, talagang walang paparadahan but then again bago tayo bumili sasakyan dapat it is also our responsibility na meron tayong tamang pwesto na paparadahan. I mean unang-una financial aspect-wise napakamahal ng sasakyan. We to protect also our investment, ang ating mga properties so it becomes a responsibility also na hanapan ng pwesto na pwede paradahan ng maayos, di po nakaka-obstruct sa ating mga kalsada.”