DTI may babala sa pagbili ng 'nakaw' na balikbayan box | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DTI may babala sa pagbili ng 'nakaw' na balikbayan box

David Dizon,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagbabala ang Department of Industry laban sa pagbili ng umano'y mga ninakaw na balikbayan box na hindi inihatid sa totoong may-ari sa Pilipinas.

Ayon kay DTI Consumer Protection Group Assistant Secretary Amanda Nograles, may mga unclaimed na balikbayan boxes o parcels na inorder online na hindi nai-deliver sa totoong buyer o recipient at ibinebenta sa publiko.

Aniya, hindi pinapayagan ng Bureau of Customs na i-release ang isang balikbayan box kung hindi pa bayad ang tax nito.

"Pag mahigit one year na 'yan na hindi kine-claim, overstaying na 'yan. May karapatan na ang Customs na i-auction ito sa publiko," aniya sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Nograles, may mga online seller na ibinibenta ang mga undelivered na "mystery parcels" sa baratilyo.

May paalala naman siya sa mga bumibili ng mga balikbayan box na hindi nai-deliver sa totoong dapat na makatanggap.

"Ang warning po natin dito para sa mga balikbayan boxes - siyempre mayroon may-ari ng balikbayan box, hindi lang nila na-claim. Maghahanap 'yun kasi mayroong totoong recipient 'yun e," aniya.

Dagdag niya, may pananagutan din ang mga taong bumili ng "nakaw' na balikbayan box.

"Kung nakaw ang balikbayan box at nabili natin, pwede tayong kasuhan ng anti-fencing. Kapag bumili ka ng item na nakaw, pwede kang kasuhan ng criminal offense," sabi ng opisyal.

ADVERTISEMENT

Aniya, dapat alamin ng isang buyer na konektado sa Customs at lehitimo ang auction ng nagbebenta ng balikbayan box. Dapat ding ang nagbebenta ng "mystery parcel" ay mismong may-ari ng item.

Mayroon ding paalala ang DTI sa mga OFW na naghahanap nang mas mura na freight forwarder.

"Ang na-re-receive namin na reklamo dito 'yung totoong may-ari tapos nabenta na o na-auction na 'yung balikbayan box niya kaya naghahabol siya. Ang warning po natin dito para sa totoong owner, huwag silang mangontrata sa kung sino-sino lang na freight forwarder," ani Nograles.

"Usually 'yan 'yung mga nagpapadala sa abroad na sobrang mura or below the market rate. 'Yun ang risk, hindi nakakarating 'yung pinadala ng OFW natin na kamag-anak tapos naibebenta siya sa iba."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.