Bystander aksidenteng nabaril sa San Andres Bukid

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bystander aksidenteng nabaril sa San Andres Bukid

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Hustiya ang sigaw ng mga kaanak ng lalaking namatay makaraang madamay at aksidenteng nabaril sa Barangay 775, San Andres Bukid sa Maynila nitong Huwebes.

Nakuhanan ng CCTV ang paghahabol at pamamaril ng suspek sa isang lalaking nakaalitan, nang matamaan naman nito ang biktima na nakaupo sa lugar.

Kinilala ang biktima na si Gonzalo Pacheco, 43 taong gulang.  

Kwento ng pinsan ni Pacheco na nakakita sa insidente, nagkakasiyahan sila noon dahil kaarawan ng kanyang apo, nang marinig ang magkakasunod na putok ng baril.

ADVERTISEMENT

“Nagpaputok na siya ng baril doon sa unahan. Pagdating dito, nagpaputok siya dito. Doon tumama sa pinsan ko. Nakatalikod siya e, tapos naramdaman niya na may tama siya,” ayon kay Mary Ann Lula.

Naisugod pa sa ospital si Pacheco pero binawian din ng buhay.

“Napakasakit ng nangyari. Kitang-kita ko pa kung papaano bumaril,” sabi ni Lula.

Nagdadalamhati ngayon ang mga naulilang anak ni Pacheco na hindi pa rin mapakaniwala sa nangyari, lalo na’t walang kinasasangkutang gulo ang ama.

“Ang sakit po talaga kasi sobrang lapit po sa akin ng tatay ko. Hindi po kami makapaniwala bakit siya ‘yung kinuha ni Lord. Bakit siya ‘yung namatay? Hindi po kasi palaaway si papa,” ayon sa anak ni Pacheco.

ADVERTISEMENT

“Mabigyan po sana talaga siya ng hustisya,” dagdag niya.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa pamilya at sinabing hindi niya sinasadya ang pangyayari.

Nahaharap ito sa mga reklamong murder at frustrated murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.