Lalaking nagtangkang magnakaw umano sa sasakyan, patay matapos barilin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagtangkang magnakaw umano sa sasakyan, patay matapos barilin
Patay sa pamamaril sa ang isang 23-anyos na lalaki matapos umano niya subukang buksan ang isang kotseng nakaparada sa Luzon Avenue sa Barangay Balara, Quezon City.

Ayon sa mga testigo, pagbaba ng isang babae sa sasakyan, kasunod din nitong bumaba ang lalaking driver.

Maya-maya pa, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng babae at ng 23-anyos na lalaki, hanggang sa binaril umano ng driver ang lalaki.

Tumakas naman ang driver at babae sa direksyon ng Congressional Avenue.
Tumakas naman ang driver at babae sa direksyon ng Congressional Avenue.
ADVERTISEMENT
Nakuhanan ng CCTV ng Barangay Culiat ang pagtakbo ng lalaking nabaril at pagtawid nito sa may isle boundary. Doon na siya bumulagta dahil sa tama ng baril sa dibdib.

Ayon sa Quezon City police, patuloy ang kanilang follow up operation pero meron na silang person of interest.

Sinabi naman ng mga residente ng Culiat na matagal nang nasasangkot sa mga nakawan at bukas-kotse ang lalaking namatay.

Ilang beses na rin siyang nakunan ng CCTV sa nakawan umano sa iba't ibang lugar sa Balara.