Lumalagablab na sunog sa residential area sa Quezon City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lumalagablab na sunog sa residential area sa Quezon City

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 08, 2024 11:10 AM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Aabot sa tatlong daang pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. San Roque sa Quezon city.

 

Ayon kay Fire Chief Inspector Marvin Mari, Chief of Operations ng BFP Quezon City, nagsimula ang sunog dakong alas singko ng madaling araw sa likurang bahagi ng residential area. Inakyat sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula ng alas syete kwarenta ng umaga.

 

Tatlong indibidwal ang nagtamo ng minor injuries at first degree burns habang walang nasawi sa sunog.

 

Ayon kay Brgy. Chairman Nonoy Mortega ng Brgy San Roque, nasa 100 bahay ang nasunog.

ADVERTISEMENT

 

Magkakadikit at pawang gawa sa light materials ang mga ito.

 

Pansamantala muna manunuluyan sa tatlong evacuation centers sa lugar ang mga nasunugan.

 

Patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala nito.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.