Mga ‘tagapagmana,’ sumugod sa harap ng BSP para i-claim ang kayamanan ng taumbayan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga ‘tagapagmana,’ sumugod sa harap ng BSP para i-claim ang kayamanan ng taumbayan

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 08, 2024 07:53 PM PHT

Clipboard

Mga umano'y 'tagpagmana' na pumunta sa BSP upang makakuha ng kayamanan ng taumbayan, Mayo 8, 2024. Karen De Guzman, ABS-CBN NewsMga umano'y 'tagpagmana' na pumunta sa BSP upang makakuha ng kayamanan ng taumbayan, Mayo 8, 2024. Karen De Guzman, ABS-CBN News

MAYNILA — Libo-libo ang sumugod sa harapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para i-claim ang sinasabing nakatagong kayamanan ng taumbayan nitong Miyerkules ng umaga.

Iginiit ni Gilbert Langres, founder at pinuno ng Democratic and Republican Guardians Philippines Inc., na may nakatagong higit P100 trillion sa BSP.

“Nandito kami upang iparating na ang mga tagapagmana ng nakatagong kayamanan ay kailangan na magamit para sa taumbayang pinahirapan,” sabi ni Langres.

Bitbit ang mga dokumento, ipinakita ni Langres ang unang set ng sinasabing pondo na nakasaad sa Bagong Lipunan Secret Book of Redemption na nagkakahalaga ng P19.5 trillion.

ADVERTISEMENT

“We wanted to know the whereabouts, the origing of the fundings which is so-called ‘Ang Bagong Lipunan which is printed with a back-up of gold na nakatago sa BSP. At inilabas ang certification mula sa tinatawag nating treasury department noong 2005,” pagpapatunay ni Langres.

Nasa 5,000 ang dumalo sa demonstrasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa ayon kay Langres.

Agad namang nag deploy ng mga pulis sa lugar upang mapanatili ang kaayusan sa harap ng BSP.

“Kami’y nababahala dahil masyadong mainit ang panahon at may nahihilo na kaya humingi po tayo ng tulong sa ating CDRRMO at may mga dumating na ambulance na handang umalalay,” ayon kay PLtCol. Crisostomo Ubac, OIC ng District Mobile Battalion ng Manila Police District.

Hinarap naman ng tauhan ng BSP ang grupo at sinabing ipapaabot ang kanilang liham sa mga opisyal ng BSP.

Matiwasay na umalis ang grupo matapos ang isinagawa nilang kilos-protesta na tinawag na “Claimant Holder Taker Celebration Day.”

RELATED VIDEO:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.