Pagdaong ng balangay sa Maynila mainit na sinalubong kahit naantala
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagdaong ng balangay sa Maynila mainit na sinalubong kahit naantala
Mainit na tinanggap ng ilang grupo at indibidwal ang pagdating ng balangay sa docking area ng CCP Complex. Nakarating ang balangay sa docking area matapos ang dalawang oras. Job Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA — Mainit na sinalubong ang pagdaong ng balangay Florentino Das sa CCP Complex sa Pasay City nitong Martes ng umaga, kahit pa naantala ito dahil sa nakatambad reclamation projects sa Manila Bay.

Umalis sa Sangley Point, Cavite ang balangay bandang 9:30 a.m. at nakarating sa CCP Complex maga-alas-12 ng tanghali.

Bago umalis ang balangay, pinuri ni Vice Admiral Joseph Coyme, Philippine Coast Guard (PCG) commander sa Maritime Safety Services Command, ang expedition.

“Talagang saludo ako sa kanila… It has a unifying message to all of us Filipinos that we will stand to protect our sovereignty and sovereign rights, our territorial integrity,” sabi ni Coyme.

“At yung pinapakita nila na ang paglayag ng isang primitibong boat – this dates back to our ancestors – at ang pinapakita sa atin is steering back again what is the true identity of Filipinos. Sa mga mensahe na yun lalo na… sa West Philippine Sea ay naangkop lang,” aniya.

RECLAMATION PROJECTS
Isang oras naman sa kalagitnaan ng biyahe, tumambad at naharangan ng reclamation projects ang ruta ng balangay papunta sa docking area ng CCP Complex.

Umikot pa ang B Florentino Das para maiwasan ito, dahilan para maudlot nang isang oras ang pagdating nito sa pier ng CCP. Nadismaya rin si Arturo Valdez, ang expedition leader, na dati ring environment and transportation undersecretary.

“Naglayag tayo sa West Philippine Sea para ma-reclaim natin ang ating presensya [doon]. Pag-uwi ng balangay, nawala siya sa sarili niyang karagatan,” ani Valdez.

“Ang balangay, what an irony coming back, got lost in its own waters,” dagdag niya.
“Ang balangay, what an irony coming back, got lost in its own waters,” dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Samantala, natuwa naman ang ilang tagasubaybay ng paglayag ng balangay, tulad na lang ni Elma Santos at Maria Ruth Enriquez nang makarating na ang balangay.

Layunin anila ito para ipakita ang pagtinding ng bansa sa issue ng West Philippine Sea.

“It is very, very historic [dahil] sa issue ngayon [sa] West Philippine Sea. Yung balangay has always been a symbol of freedom of navigation way way back na nakakapaglayag tayo kung saan and now there is an issue which is very timely,” ani Santos.

“Noong nag-sail siya ulit at it is going to pass siya ng West Philippine Sea, sabi namin ‘wow, kailangan andiyan din kami ng historic na pagbabalik.’ Worth it na naghintay kami ng mainit dahil ang pagbabalik nila, maraming maganda silang dala na news sa atin,” sabi naman ni Enriquez.

B FLORENTINO DAS
Labis naman ang pasasalamat ng kamag-anak ni Florentino Das na si Gloria Sollorano Chavez dahil ipinangalan sa kanyang lolo ang balangay.

Si Das, isang boat builder, ang kauna-unahang Pilipino na lumayag mula Hawaii hanggang PIlipinas sa pamamagitan ng bangka o sailboat. Immigrant si Das sa Hawaii.

Sabi ni Chavez, pangarap ni Das na mailagay sana ang kanyang ginamit na bangka na si Lady Timarau na mapunta sa museum pero nawala ito habang nakadaong sa Manila Bay dahil sa malakas na bagyo.

Namatay umano si Das nang malungkot dahil sa nangyari.

“Ang masakit doon yung nawala yung kanyang Lady Timarau dahil hindi siya dinala sa museum,” ani Chavez.

“Physically he was brown by the sun of the sea. He was always joyful, he was always happy to share his journey. Excited na excited siya i-share yun. Ngayon 60 years after, nasha-share na natin yung kanyang storya,” dagdag niya.

“We are so blessed and honored kasi finally na-recognize na si lolo.”

Limang araw dadaong sa CCP Complex ang Balangay Florentino Das at ipapaayos muna ito doon.

Isinasapinal pa ng mga organizer kung saan dadalhin ang balangay ngayong tapos na ang makasaysayang paglayag nito sa West Philippine Sea kung saan ekslusibong nakasama ang ABS-CBN News nang dalawang linggo sa expedition.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Balangay
CCP Complex
Sangley Point
West Philippine Sea
reclamation
Cavite
ANC
B Florentino Das
Manila Bay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT