Isa pang fetus, natagpuan sa estero sa Tondo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isa pang fetus, natagpuan sa estero sa Tondo

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 27, 2024 04:12 PM PHT

Clipboard

Isa na namang fetus na nakasilid sa plastic container ang muling natagpuan sa Estero dela Reina sa Tondo, Maynila nitong Huwebes. Retrato mula sa PNP Maritime GroupIsa na namang fetus na nakasilid sa plastic container ang muling natagpuan sa Estero dela Reina sa Tondo, Maynila nitong Huwebes. Retrato mula sa PNP Maritime Group


MAYNILA — Isa na namang fetus na nakasilid naman sa plastic container ang natagpuan sa Estero dela Reina sa Tondo, Maynila nitong Huwebes.

Ayon kay Police Senior Mst. Sgt. Julie Ann Blas ng PNP Maritime Group, nagsasagawa sila noon ng clean-up drive nang madakot nila ang fetus.

“After po ng clean-up drive, pagsampa na po namin dito, na-identify po nung estero brigade na fetus nga po ‘yung laman ng [plastic container],” sabi ni Blas.

Napansin din ng mga pulis ang markings na nakadikit sa plastic container.

ADVERTISEMENT

“Hindi po namin sure kung pangalan ‘yun nung mother or pangalan ng mismong baby. May date pa po at room number pa nga po,” sabi ni Blas.

Naalarma naman ang ilang residente ng barangay dahil ito na ang pangalawang fetus sa magkasunod na araw na nakuha mula sa naturang estero.

Noong Hunyo 26, isa ring 4-buwang fetus rin ang natagpuan sa naturang estero sa TondoNoong Hunyo 26, isa ring 4-buwang fetus rin ang natagpuan sa naturang estero sa Tondo


“Dapat natin malaman kung saan nanggagaling. Baka sa ibang lugar tinapon, naanod lang sa lugar namin,” sabi ni Punong Barangay Jose Avillano ng Bgy. 8.

“May mga gamot ata ‘yan na hindi natin alam kung anong nilalagay nila, siyempre delikado po sa mga naglilinis,” dagdag ni Avillano.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya at pag-aaralan ang mga marking na nakasaad sa container.

ADVERTISEMENT

“Sa pagkakaalam ko po merong malapit na hospital doon at siguro dun tayo magsimula ng pagtatanong,” ani PCpt. Dennis Turla, hepe ng Homicide-MPD.

Wala naman dapat ikaalarma ang mga residente dahil tinuturing pa rin ito na "isolated case," ayon sa pulisya.

“‘Yung posibilidad na ito ay inanod lang considering na malakas po ‘yun ulan kagabi. Pero again, lahat po ng anggulo, lahat po ng possibility ay sisiyasiyatin po natin,” sabi ni Turla.


KAUGNAY NA VIDEO:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.