Bata nalunod sa ilog sa Las Piñas City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata nalunod sa ilog sa Las Piñas City

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang 10-taong gulang na lalaki matapos mahulog at malunod sa ilog sa Barangay Elias Aldana sa Las Piñas City, Biyernes.

Kinilala ang biktima na si John Carlo Cogal.

Ayon sa nanay nito na si Lanie Galpa, bago mag-ala una ng hapon nang magtungo sa kanilang palikuran sa gilid ng ilog ang biktima.

Ngunit ipinagtaka na lamang umano nila kung bakit hindi agad ito nakabalik sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

“Mga kalahating oras na, tinawag siya ng lola niya. Walang nasagot kaya bumaba yung mama ko, pinuntahan siya sa CR, nakasarado pa, tapos yung tabong dala dala niya, may laman pang tubig. Nag-panic na yung mama ko na nawawala na siya,” aniya.

“Nung sinisisid ng mga kapitbahay, kung sakali mang nalaglag siya. Unti unti pong lumulutang yung mga gamit niya, tsinelas, sumbrelong suot niya, at saka yung short niya,” dagdag ni Galpa.

Rumesponde ang mga rescue team mula sa Bureau of Fire Protection at mga tauhan ng Las Piñas Police.

Pasado alas-5 na ng hapon nang matagpuan ang katawan ng biktima 50 metro mula sa palikuran ng kamag-anak nito na si Jesus Galpa.

“Tagal din naming naghanap kanina. Nagdatingan na rin ang ibang rescuer, sabi ko hanapin na rin namin… May nagpakitang ahas doon sa may amin, hinampas ko, mamaya kaunti, lumutang siya,” ayon kay Galpa.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamilya, hindi nila tiyak kung nadulas biktima na sakit din sa epilepsy dahilan para mahulog at malunod sa ilog.

“Hindi po namin sure kung inatake kasi hindi na po namin talaga alam ang pangyayari, kung nadulas po siya doon or inatake siya,” ayon sa nanay ng biktima.

Patuloy na sumasailalim sa imbestigasyon ng Las Piñas Police ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.