PSEi higher after cooler inflation print in February
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PSEi higher after cooler inflation print in February
ABS-CBN News
Published Mar 05, 2025 11:43 PM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

‘My Puhunan: Kaya Mo!’: Lalaking hindi nagtapos ng pag-aaral lumago ang yaman sa paggawa ng barong
Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News,
Ruth Borja,
ABS-CBN News Intern
Published Aug 14, 2025 02:00 AM PHT

Binabalik-balikan ngayon sa Lumban, Laguna ang pagawaan ng mga barong ni Leo Landayan.

Sa kabila ng mga makabagong makina na ginagamit niya sa paggawa nito, pinapanatili pa rin niya ang tradisyunal na paraan ng pananahi ng mga barong kung saan mano-mano pa rin itong ginagawa ng ilan sa kaniyang mga tauhan.

“Halos 23-25 years na po na ito ‘yung negosyo ng Kuya Leo. ‘Pag sinabi ng mga Leo and Christine Embroidery, nandiyan ‘yung malalaking computerized machine, nandiyan ‘yung mano-mano na makina, nandiyan din ‘yung mga maraming mananahi na hindi ka mapapahiya. Pinakamababang klase ng tela hanggang sa pinakamataas. Iyon ‘yung kalidad na meron po tayong naipoprovide sa kanila,” pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang “My Puhunan: Kaya Mo!”

Ilang dekada na itong kabuhayan ni Leo, ma 12 taong gulang lamang nang matutunan ang pananahi nang mapilitang magtrabaho sa murang edad dahil sa hirap ng kanilang pamilya.

“Hindi na ako nakapag-aral. Medyo nakita ko at naisip ko rin, para doon sa pamilya namin, sa 10 namin magkakapatid, ako na ‘yung nag-giveway para sila ‘yung magpatuloy and then ako ‘yung natutong kumita ng pera,” kuwento niya.

Sinimulan ni Leo ang kaniyang kapalaran sa pagiging mananahi sa isang maliit na espasyo na pareho niyang tirahan at tindahan sa Laguna.

Ang makina na una niyang ginamit sa pananahi ay bigay pa sa kaniya ng kaniyang ina.

Pinagsumikapan ni Leo na mapalago ang kabuhayan sa pananahi. Mula sa simpleng hand embroidery hanggang sa mga intricate geometric-ethnic patterns, nagagawa na ito ng factory niya ngayon. Umaabot na rin sa ibang bansa ang kaniyang mga obra gaya ng Italy, Jeddah, at Los Angeles.

Bukod sa kaniyang patahian, mayroon na rin siyang resort na aabot ng kalahating ektarya ang lawak. May mga magagarang sasakyan na rin siyang naipundar at sariling bahay at lupa.

Panoorin ang kaniyang "rags to riches" story dito lang sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama si Migs Bustos.

PANOORIN:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT