Patrol ng Pilipino: Kakaibang ‘alarm system’ ng mga nasa paligid ng Mayon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Kakaibang ‘alarm system’ ng mga nasa paligid ng Mayon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MANILA — May paraan ang ilang naninirahan sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon para ipaalam agad na puputok ito.

Walang teknolohiya sa “alarm system” na ito ng mga taga-Sitio Libtong sa Daraga, Albay.

Sa halip, nagpapasahan ng sigaw ang mga residente—hudyat para sabay-sabay silang lilikas.

Pero hindi pa rin umaalis ang ilan dahil ayon sa kanila, ligtas pa naman sa lugar.

ADVERTISEMENT

Ang ibang galing Barangay Alcala ay pumapasok pa sa permanent danger zone para mag-abono sa kanilang pananim kung sakaling hindi matuloy ang pagputok ng bulkan.

Mahigit 4,000 pamilya o 14,000 tao na nakatira sa loob ng permanent danger zone ang inilikas sa ilalim ng Alert Level 3.

—Ulat ni Jose Carretero, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.