Patrol ng Pilipino: Ano-ano ang mga pakinabang ng pagdalo ni Marcos Jr. sa ASEAN-GCC?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Ano-ano ang mga pakinabang ng pagdalo ni Marcos Jr. sa ASEAN-GCC?
ABS-CBN News
Published Oct 28, 2023 02:38 PM PHT

MAYNILA — Inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbibigay ng oportunidad sa mahigit 15,000 na Pilipino sa propesyon ng construction industry ang pagdalo niya sa pulong ng ASEAN-Gulf Cooperation Council (GCC) sa Saudi Arabia.

Sa pakikipag-usap niya sa mga business leaders ng iba’t ibang bansa, pumirma ang pangulo ng ilang investment agreements gaya ng Memorandum of Understanding sa EEI Corp. at Samsung Engineering NEC Co. Ltd. para sa construction export services at human resources services.

Nagkaroon din ng maikling bilateral meeting ang pangulo kasama ang crown prince ng Kuwait at pinag-usapan ang naging deployment ban sa mga OFW.

Ayon kay Marcos, ipinangako ng prinsipe na aayusin nito ang labor issues ng parehong bansa.
Ayon kay Marcos, ipinangako ng prinsipe na aayusin nito ang labor issues ng parehong bansa.
ADVERTISEMENT
Nakipagkita rin si Marcos Jr. sa mga kababayan sa Saudi Arabia at sinabing kaya matatag ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansa ng GCC ay dahil sa mga Pilipino na nagtrabaho at tumira roon.

— Ulat ni Raphael Bosano, Patrol ng Pilipino
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT