Halos 1000 pamilya, inilikas sa Cagayan dahil sa bagyong Crising
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 1000 pamilya, inilikas sa Cagayan dahil sa bagyong Crising
Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Jul 19, 2025 03:07 PM PHT

CAGAYAN — Umaabot sa kabuuang 945 na pamilya o 3,129 na indibiduwal ang inilikas sa Cagayan dahil sa bagyong Crising, ayon sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Sabado ng umaga.

Ibang-iba sa sitwasyon kahapon na halos walang puknat ang pabugso-bugsong malakas na ulan na naging dahilan ng pag-apaw ng mga ilog at pagbaha sa ilang lugar gaya sa bayan ng Baggao.

Sa video ng residenteng si Alfred Pattawi, makikita ang rumaragasang baha sa mga kabahayan sa Sitio Marus, Barangay Hacidenta Intal.

Abot hanggang tuhod ang lalim ng baha sa loob ng isang bahay.
Abot hanggang tuhod ang lalim ng baha sa loob ng isang bahay.
ADVERTISEMENT
Nagkumahog ang mga nakatira na magsalba ng mga gamit.

Baha sa Gattaran, Cagayan. Courtesy: Merlyn Cabaruan

Binaha ang ilang kalsada habang nim na tulay ang nalubog kabilang ang Tallang Bridge, Agaman Proper Bridge, Bagunot Bridge, San Isidro-Taytay Bridge, Bitag Pequeño Bridge at Mocag Bridge.

Pero nagsimula nang bumaba ang tubig kaya sinamantala ng mga awtoridad na tanggalin ang naiwang mga putik at debris para tuluyang mabuksan ang mga tulay.

Bahagya naman napinsala ang approach ng tulay sa Sitio Marus.

Sa video na ibinahagi ng MDRRMO Calayan, makikita ang pagbuti na rin ng lagay ng panahon sa bayan.
Sa video na ibinahagi ng MDRRMO Calayan, makikita ang pagbuti na rin ng lagay ng panahon sa bayan.
ADVERTISEMENT
Pero umiiral pa rin ang polisiyang nagbabawal sa mga mangingisdang pumalaot.

Sa huling tala ng PDRRMO, 33 barangay sa siyam na bayan ang nakaranas ng pagbaha sa Cagayan.

Nakapagtala naman ng pagguho ng lupa sa Sta. Praxedes kung saan natabunan ang bahagi ng Cabugao Road.

Puspusan ang clearing operation para mabuksan ang daan.

Sa Tuguegarao City, masusi pa rin binabantayan ang Cagayan River nasa normal pa ring lebel sa kabila ng naranasang pag-ulan.

Pero hindi isinasantabi ang posibilidad na pagtaas nito dahil bumaba sa Cagayan ang tubig mula sa mga karatig probinsya.

Paglikas ng mga residente sa Peñablanca, Cagayan. Courtesy:MDRRMO-Peñablanca

Sa kabuuan, umabot sa siyam na raan at pitong pamilya o katumbas ng mahigit tatlong libong indibidwal ang apektado ng bagyong Crising sa probinsya.

Pangkalahatang maayos pa naman ang linya ng komunikasyon at suplay ng kuryente.

Ikinakasa na ang monitoring and assessment sa naging pinsala ng bagyo.