Elephant Mountain, libreng view ng Taipei | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Elephant Mountain, libreng view ng Taipei

Jonathan de Santos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 26, 2025 08:17 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

TAIPEI — Sikat na landmark sa Taipei ang Taipei 101 — ang pinakamataas na building sa mundo mula 2004 hanggang 2010, noong nagbukas ang — Burj Khalifa sa Dubai.

Sinasabing sa Observatory sa tuktok ng Taipei 101 makikita ang pinaka-magandang view ng buong lungsod.

Pero hindi libre ang umakyat at hindi bababa sa P1,000 ang entrance fee.

Sulit naman daw, pero may malapit lang na puwedeng puntahan na libre at may maganda ring view, tanaw mo pa ang Taipei 101: Ang Elephant Mountain.

ADVERTISEMENT

Ang Elephant Mountain ay isa sa apat na bundok katabi ng Taipei at nasa Xinyi district, kung nasaan din ang Taipei 101.

Maikling lakad lang ang Elephant Mountain trailhead mula sa Xiangshan Station, isang sakay ng Taipei Metro mula sa Taipei 101.

Kung maganda ang panahon at game maglakad, walking distance lang din ito mula sa Taipei 101 at mararating nang wala pang kalahating oras.


Mula sa Taipei 101, tawirin ang Xinyi Road at sundin ito pakaliwa.

Sundan lang ang kalye at kumanan sa Songren Road hanggang sa intersection nito sa Songping Road at tumawid pakaliwa.

ADVERTISEMENT

Sundan ang Songping Road at kumanan sa dulo. Kaunting lakad na lang ay makikita na ang Sanli Park kung saan magsisimula na ang paakyat sa Elephant Mountain.

Matarik ang Elephant Mountain, pero may hagdan naman at mga handrail, at maraming kasabay paakyat kaya hindi gaanong nakakapagod — pero medyo nakaka-pressure rin.

May bilihan ng inumin sa paanan ng bundok, pero puwede namang magbaon kung nagtitipid.

Mga 15 minuto para akyatin ang Photographer’s Platform, ang unang stop paakyat at isa sa dinadayo sa bundok.

Magdagdag ng kalahating oras para akyatin ang Six Boulders at ang Elephant Peak.

ADVERTISEMENT

Maraming umaakyat sa Elephant Mountain sa umaga habang mas malamig ang panahon at sa dapithapon para abangan ang sunset. May ilaw naman sa trail kaya safe din puntahan sa gabi.

Sa kaunting pawis at kaunting hingal na puhunan, makakakuha ka na ng magandang tanawin at sariwang hangin. 

Yung ipambabayad sana pag-akyat sa Taipei 101, puwede nang gamitin sa street food at milk tea kung saan kilala rin ang Taiwan.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.