News Releases

English | Tagalog

YAM, MAGABIBIGAY KULAY SA MYX BILANG CELEBRITY VJ

May 07, 2019 AT 12:27 PM

Yam rules over MYX as Celebrity VJ

MYX Music Awards 2019 happens this May 15

 
Bibida si Yam Concepcion sa numero unong music channel ng bansa bilang MYX Celebrity VJ para sa buong buwan ng Mayo.
 
Nagtapos man ang “Halik” ngunit patuloy pa rin si Yam sa panggigiliw sa mga manonood sa kanyang pagsabak sa MYX para maghatid ng pinabagong mga kanta at sumagot ng mga maiinit na tanong mula sa fans.
 
Maghahari rin ang Itchyworms ngayong tag-init bilang “MYX Headliner.” Abangan ang MYXclusive performances ng Itchyworms sa hit songs na “Sisikat Muli Ang Araw”, “Loco” at “‘Di Na Muli.” Nominado rin ang “Sisikat Muli Ang Araw” video ng banda para sa Rock Video of the Year category sa darating na MYX Music Awards 2019.
 
Tatayo naman ang singer-songwriter na si Rice Lucido sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Handog ni Rice ang kanyang “Hele Ng Maharlika” album pati na rin ang “The Hows Of Us” OST na “Dalawang Tao” upang maghatid ng “feels” ngayong buwan.
 
Samantala, magaganap na ang MYX Music Awards 2019 sa ABS-CBN Vertis Tent sa darating na May 15 (Miyerkules). Magsasama-sama sa pinaka-inaabangang event ang naglalakihang performers tulad nina Julie Anne San Jose, Moira Dela Torre, This Band, St. Wolf, at Unique. Pakinggan ang #MYXMusicAwards2019 nominees playlist sa Spotify at bumoto para sa inyong paboritong nominees hanggang Mayo 12 sa pag-log on sa www.myxph.com.
 
Makisaya ngayong buwan kasama ang MYX Celebrity VJ na si Yam sa “Pop MYX” hanggang Mayo 11, “Pinoy MYX” sa Mayo 12 hanggang 18, “Mellow MYX” sa Mayo 19 hanggang 25, at “My MYX” sa Mayo 27 hanggang 31. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE