ID system para sa mga OFW, umani ng samu’t saring reaksiyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ID system para sa mga OFW, umani ng samu’t saring reaksiyon
Maxxy Santiago,
ABS-CBN Middle East News Bureau
Published Jul 19, 2017 06:32 PM PHT

Umani ng samu’t-saring reaksiyon mula sa mga overseas Filipino worker sa Gitnang Silangan ang paglunsad ng iDOLE o identification card para sa mga OFWs noong Hulyo 12.

Ang naturang ID ang siyang papalit sa overseas employment certificate o OEC ng mga OFWs para sa libreng terminal fee at travel tax, exit clearance at magsisilbing patunay na sila ay rehistrado at dokumentadong OFW sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

“Masaya na sana kami kasi wala nang OEC. Sabi walang bayad pero may bayad na naman. Ano ba talaga? Kami naguguluhan dito bilang OFW,” pahayag ni Sattra Dane.

Pauwi si Dane ngayong Agosto sa Pilipinas pero nadismaya siya nang malamang hindi pa pala ito maipatutupad agad dahil wala pang inilabas na implementing rules and guidelines ang Department of Labor and Employment para sa OFW ID.

“Antayin na lang natin yung guidelines o rules nila. Mahirap yung mag-ano tayo sa fake news,” sabi naman ni Rene Canoog.
Unang lumabas sa website ng i-DOLE OFW card, na may bayad na P701. Ang P501 ay para sa OFW card at P200 para sa Philpost delivery fee. Pero kalaunan, nilagay sa i-DOLE website na test website lang ito.
Pero sinabi naman ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na libre ang OFW ID at kung may kailangang bayaran dapat ang employer ang sumalo nito.

Kaya naman, ilang grupo ng mga OFW sa Jeddah, Saudi Arabia, naguluhan din.

“Dapat kung totoo yan libre tayong mga OFW, dapat libre yan. Nagpapakahirap pa tayo dito sa Saudi pati ba naman yong bansa natin pahirapan tayo? Isyu sila ng ID para magkapera lang sila? Nananawagan po kami kay Secretary Bello na kung sakaling totoo yang OFW card na yan, ilibre na po ninyo kami, hindi na kailangang magbabayad pa,” ani Haron Manalondong, chairman ng Lanao Lakers sa Jeddah.

Para kay Reynante Mirallosa, purchasing officer sa isang pharmaceutical company, maganda ang naturang programa.

“Ang problema lang rito yung implementasyon, parang nagkakaroon ata ng problema kasi dapat na-implement ito, may coordination na doon sa bawat bansa,” ani Mirallosa.

Sa Muscat, Oman, tanong naman mga OFW doon ang validity ng i-DOLE OFW ID.

“At least pag meron po kaming ID, malaking tulong po ito sa amin kaya lang kailangan lang nilang klaruhin kung ilang years ang validity nito--2 years 5 years or lifetime--kasi mas maganda na lifetime po sana. Pabor po sa amin, mas okay yun,” sabi ni Jay Rose Delmo, isang nurse sa Muscat.

Malaking ginhawa para sa mga OFW ang pagtanggal ng OEC. Hindi na nila kailangan pang pumila para rito at mas mapapabilis ang mga transaksyon sa gobyerno. Tanging panawagan ng mga OFW sa Gitnang Silangan, dapat maglabas na ng patakaran ang DOLE para sa OFW ID sa lalong madaling panahon para maging malinaw ang lahat.

“Sana yung ginagawa nilang guidelines para dito, maging pulido, yung parang mas magiging more beneficial sa ating OFW, yung lang naman yung gusto natin habang nagtatrabaho tayo sa abroad,” sabi ni Sherwin Gabriel, graphic designers sa Riyadh.
Sinabi naman ni Jenny Paz na simula nang pumasok ang administrasyong Duterte, mas naging kampante na sila.

“Sobrang naging kampante na ako doon sa mga ila-launch pa nilang projects para sa OFWs, kasi kung nakikita ko na parang they care about us. In time, magiging ok din ang lahat,” sabi niya.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pag-isyu ng OEC sa mga Philippine Overseas Labor Office o POLO sa Gitnang Silangan habang hinihintay ang implementasyon ng i-DOLE OFW ID.

-- May ulat nina Charles Tabbu, Sherwin Zuniga, Jaypee Aleta, Rowen Soldevilla at Ardee de Leon.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT