209 OFWs sa Korea sumailalim sa training at reintegration program

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

209 OFWs sa Korea sumailalim sa training at reintegration program

Joeffrey Maddatu Calimag  | TFC News South Korea 

 | 

Updated Nov 29, 2023 01:18 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

SOUTH KOREA - Nagtapos sa skills training and reintegration program ng embahada ng Pilipinas at Migrant Workers Office-OWWA sa Korea ang may dalawandaan at siyam na OFWs sa loob ng limang buwan.

Kapakipakinabang ang training na layong maihanda ang mga Pinoy sa pagbabalik nila sa Pilipinas pagkatapos ng kanilang kontrata sa South Korea.

“Ang layunin ng programang ito ay itaguyod ang future plans ng ating mga kababayang OFW dito sa Korea. Marami po kaming bagong courses na naihatid para sa ating mga OFW,” ani Labor Attache-Korea Ma. Celeste Valderrama.

Ilan sa mga kursong natapos ng batch ay dress making, advanced photography, baking, bartending, korean side dish making, at videography classes.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Welfare Office sa Korea may mga dating sumailalim sa training na naging matagumpay sa kanilang negosyo nang bumalik ng Pilipinas.

“May mga success stories po tayo diyan na nakapagpatayo na po ng business sa atin po sa Pilipinas gaya ng basic photography, may mga baking classes po tayo na nakapagpatayo na po ng small bakeshop. Yan po ay sa pakikipagtulungan ng ating OWWA at ng ating embahada,” sabi ni Welfare Officer-Korea Aniceta Deuna.

Isa mga sa mga success story na maituturing ang naumpisahang business nina Michael Angelo Santos at Arnaldo Manabat Hicban na parehong nagtapos ng Basic Videography training. Gagamitin nila ang natutunan para palaguin ang kanilang business sa Pilipinas. Naging inspirasyon sila para sa mga kaklase sa training.

Ipinagpapasalamat ng mga nag-training na may bago silang skills na natutunan na maaari nilang mapalago pag-uwi ng pilipinas.

“Sumali po ako sa training ng OWWA dahil gusto ko pong matutunan po lahat ng skills na pwede ko pong gamitin kapag po nag-for good na po sa Pilipinas,” sabi ni Don Alonzo na nagtapos ng training sa baking at pagiging barista.

Kabilang sa mga tumulong sa mga OFW ang mga miyembro ng Filipino community lalo't alam nilang kailangan ng mga Pinoy ng kaagapay sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.