Bagyong Julian, nag-iwan ng matinding pinsala sa kabayahan, ari-arian sa Batanes | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Julian, nag-iwan ng matinding pinsala sa kabayahan, ari-arian sa Batanes

Matinding pinsala sa kabahayan, pananim, at mga ari-arian ang iniwan ng hagupit ng Bagyong Julian sa lalawigan ng Batanes.

Sa aerial survey na isinagawa ng Office of Civil Defense nitong Huwebes, kitang-kita ang mga lugar na dinaanan ng malakas na hangin at ulan.

Kabilang sa mga bayan na malubhang naapektuhan ay ang Basco, Ivana, Uyugan, Sabtang, at Itbayat.

Sanay na umano ang residenteng si Maximo Castillo Jr. sa mga bagyong dumadaan sa kanilang lalawigan pero iba aniya ang hagupit ng Bagyong Julian.

“Sobra sir, talagang malakas. Kaya parang supertyphoon talaga. Nakakanerbyos e. Siyempre mag-aalala ka sa mga gamit mo. Kailangan makahanap ka ng evacuation. Kailangan medyo makaalis ka na sa bahay mo kung medyo mahina,” sabi ni Castillo.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, halos maghapong tumagal ang bagyo sa kanilang probinsya noong Lunes.

“Mas malakas ‘yong [typhoon] Kiko. Pero oras lang, saglit lang. Itong typhoon Julian kasing lakas no’ng [Typhoon] Kiko pero sobrang tagal. ‘Yon yong halos 36 hours na malakas. Hindi nagbabago ‘yong lakas ng hangin. Kaya maraming nasirang bahay talaga,” sabi ni Governor Marilou Cayco.

Dahil dito, umabot sa halos 200 pasahero ang stranded sa Basco Airport simula pa noong Biyernes, Setyembre 27, dahil sa pagkansela ng commercial flights.

“‘Yong passenger terminal building namin talagang nasira. For the first time ‘yong water supply namin, nahulog ‘yong mga tanks namin. And dalawang aircraft which are heavily secured before the typhoon, nilipad… total wrecked na ‘yong dalawang eroplano namin,” sabi ni Louie Asantor, OIC ng Basco Airport.

Inaasahan na maibabalik ang biyahe ng commercial flights sa naturang paliparan ngayong Biyernes.

Naghatid din ng mga ayuda ang Office of Civil Defense at Department of Social Welfare and Development tulad ng inuming tubig lulan ng C-130 ng Philippine Air Force.

Sa C-130 na rin isinakay ang mga nastranded na pasahero na papuntang Laoag.

Bukod sa ayudang pagkain, nakatakda ring magpadala ang pamahalaan ng mga construction materials sa Batanes para sa mga residenteng nasira ang mga bahay.

“Very peculiar ang suliranin dito sa Batanes dahil bawal silang magputol ng kahoy at kumuha ng aggregates dahil considered na protected areas ang buong Batanes. Sa pakikipagtulungan ng DENR, mayroon tayong makukuhang lumber sa ibang bahagi ng bansa na dadalhin natin dito,” sabi ni OCD Administrator Ariel Nepomuceno.

Wala pa ring suplay ng kuryente sa buong lalawigan dahil patuloy pa ang pagsusuri ng Batanes Electric Cooperative sa mga linya ng kuryente na naapektuhan ng bagyo.

Nakauwi na rin sa kani-kanilang mga tahanan ang 172 na pamilyang una nang lumikas dahil sa hagupit ng bagyo.

Read More:
ABSNews
ANC promo
weather
weather today
weather news
weather updates
weather latest
weather Philippines
habagat
floods
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT