2 construction worker arestado sa rape-slay ng 11-anyos na babae | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 construction worker arestado sa rape-slay ng 11-anyos na babae
MAYNILA — Nasa kustodiya na ng General Trias City Police sa Cavite ang 2 construction workers na mga suspek umano sa panggagahasa at pagpatay sa isang 11-taong gulang na grade 6 student sa Barangay Sta. Clara.

Ayon kay Lt. Col. Jose Naparato, bandang hatinggabi nitong Huwebes nang maaresto ang unang suspek na si alyas "Bulok," na kapitbahay pa mismo ng biktima.

Naaresto naman ang ikalawang suspek na nakilalang si alyas "Alex" nitong umaga.

Ayon kay Naparato, nag-inuman pa umano ang mga suspek bago isinagawa ang krimen.
Ayon kay Naparato, nag-inuman pa umano ang mga suspek bago isinagawa ang krimen.
ADVERTISEMENT
Una munang inutusan ng mga suspek ang biktima na bumili ng sigarilyo at pagkatapos ay tinangay ito sa gubat hindi kalayuan sa bahay ng bata.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na halinhinang ginahasa umano ng mga suspek ang biktima bago sinakal hanggang sa mamatay.

Kinumpirma rin ng pulisya na base sa autopsy report ay ginahasa ang biktima.

Sa interogasyon ng mga pulis, inamin umano ni Bulok ang krimen pero mariing itinatanggi ni Alex na sangkot siya sa pagpatay sa biktima.

Noong Linggo pa ng gabi iniulat ang pagkawala ng biktima. Natagpuan ang kaniyang bangkay na nagsisimula nang maagnas noong Martes ng tanghali.

Nakatakdang sampahan ng kasong rape at homicide ang mga suspek sa piskalya ngayong hapon.

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT