Mga magulang ng sanggol na itinapon sa ilog, pinaghahanap na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga magulang ng sanggol na itinapon sa ilog, pinaghahanap na
Itinakbo ng mga rescue team sa ospital sa San Pablo City, Laguna ang isang sanggol na babae na nag-aagaw buhay.

Huwebes ng hapon, maglilinis lamang si Ely Boy Marasigan ng mga basura sa ilog sa Barangay San Gabriel nang matagpuan niya ang sanggol.

“Ang akala ko po ay manika lang... lumapit po ako bago hinawakan ko po ay ako po ay medyo nangilabot dahil malambot at may inunan pa po kasama,” ayon kay Marasigan.

Humingi ng tulong si Ely sa mga kapitbahay para makuha ang bata sa ilog. Agad nilang nilinisan at binihisan ang sanggol bago isinugod sa ospital.

“Hindi po katanggap-tanggap sa aking puso ng sinapit ng baby dahil inanod ho ng tubig wala ho kalaban-kalaban yung ating baby, ang ganda po bata bilog na bilog po. Kaagad po namin isinugod sa ospital baka po makaka-survive at nanlalaban pa po ang ating baby," ayon sa Barangay Chairman ng Barangay San Gabriel na si Madette Amante.

Pero pagdating sa ospital, idineklara nang dead on arrival ang sanggol na pinangalanan na Baby Angel.

Inisa-isa na nang mga pulis at ng mga barangay health workers ang mga listahan nang buntis pero bigo silang matagpuan ang posibleng ina ng bata, kahit sa mga kalapit na barangay.

“Napakarami po nangangailangan ng bata pero kayo po ay pinalad na magkaroon ng anak pero bakit ganoon po ang ginawa ninyo sa inyong anak? masakit po ang ginawa nyo. Sana po lumitaw kayo at makonsensya , magsadya lamang po kayo sa aming station sa San Pablo po para po magkaroon ng hustisya yung bata,” ayon kay PSSG Flor Cortez ng San Pablo Police.

Pinabendisyon na ng pamunuan ng barangay sa simbahan ang sanggol bago inilibing.

“Sinisugurado po namin na kahit ganoon ang nangyari doon sa baby ay magkakaroon po siya ng maayos at payapa na libing sa tulong ng barangay,“ ayon kay Amante.

Sa mga may impormasyon sa ina ng sanggol, maaaring makipag-ugnayan sa mga awtoridad o sa pamununan ng Barangay San Gabriel sa San Pablo City, Laguna.