168 POGO workers mula Cebu dinala sa Maynila

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

168 POGO workers mula Cebu dinala sa Maynila

Clipboard

Ang 169 na foreign nationals na na-aresto sa POGO hub sa Lapu-Lapu City ay dinala sa Mactan Airbase, at mula doon ay sa Pasay City. Annie Perez

MAYNILA — Mula Cebu dinala sa Temporary Detention Facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa Nasdake Building sa Pasay City, ang 168 na dayuhang sangkot umano sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa loob ng Tourist Garden Hotel sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City nitong Miyerkules, Setyembre 4.

Ayon sa PAOCC, 69 sa mga ito ang ang Indonesian, 92 ang Chinese, 6 ang Myanmarese at 1 ang Malaysian.

Sangkot umano ang mga suspek sa love at cryptocurrency scam.

Wala rin maipakitang mga dokumento at pasaporte ang mga dayuhan kaya’t sumailalim sila sa immigration inquest proceedings kahapon, Setyembre 3, para sa reklamong paglabag sa Immigration Laws.

ADVERTISEMENT

Sakay ng dalawang C130 ng Philippine Airforce lumapag sa Villamor Airbase ang mga ito kasama ang mga kawani ng PAOCC. Matapos nito ay sinakay naman sila sa 5 bus patungo PAOCC Facilty habang inaantay ang kanilang deportasyon. Dinala sila sa Maynila dahil nandito ang kani-kanilang mga embahada.

Alas-3 nitong Agosto 31 nang isagawa ang joint rescue operation ng National Bureau of Investigation Cebu District Office (NBI-CEBDO), Department of Social Welfare and Development 7 (DSWD-7), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC), Bureau of Immigration (BI), Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at PAOCC.

Pakay ng operasyon ang i-rescue ang 8 Indonesian nationals na sapilitang pinagtratrabaho sa loob ng POGO hub. Anim ang matagumpay na na-rescue ng awtoridad, ayon kay PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.

“Kasi gusto na nilang umalis and yet ayaw pa rin sila pinipigilan sila. Yung passport nila ayaw ibigay. So thru internet nag communicate sila doon sa kanilang embassy. (Sinasaktan ba sila?) Tinitignan pa natin yan, kasi hanggang sa ngayon tuloy tuloy pa rin yung investigation na ginagawa natin sa mga narescue natin na mga Indonesians,” sabi ni Cruz.

Narecruit umano bilang mga call center agents, marketing representatives at admin assistants ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

Ipinasara na ng PAOCC ang nasabing hotel. At ayon sa PAOCC konektado rin sa Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga ang scam hub na ito.

Nakumpiska ang nasa P8.3 milyon na cash, 12 sasakyan, 2.1 ektaryang lupa sa Tourist Garden Hotel, 200 laptops, 20 desktops at daan-daang mga SIM cards at cellphones.

“The usual thing is they were offerred high salary and then in reality pag nasa loob na sila halos kalahati lang yung natatanggap sa pinangako sa kanila,” sabi ni Cruz.

Nakipag-ugnayan ang PAOCC sa Indonesian Embassy at narescue ang mga foreign nationals at kalaunan inaresto rin sila dahil paglabag sa iba’t ibang Immigration law.

Labimpito pa ang sinampahan ng reklamo ng Qualified Human Trafficking. Sila ang mga napatunayang nagpapatakbo ng POGO Hub. Isa umano dito ang ang Filipino na lumalabas na accessory to the crime.

ADVERTISEMENT

“Based on testimonies from the witnesses that pointed to them not as victims but as recruiters,” sabi ni NBI-CEBDO Director Rennan Oliva.

“Sa ngayon makukulong sila sa BJMP [Cebu] and yung 168 naman subject sila sa deportation,” sabi ni Cruz.

Madadagdagan pa ang mga kasong isasampa sa mga ito kapag nakakuha na ng cyber warrant ang awtoridad at sasailalim sa data examination ang mga nakumpiskang mga gadget na ginagamit sa scam.

Inihahanda na rin ang case build sa kasong money laundering.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.