Scottie Thompson humanga kay Ginebra rookie Jayson David – ‘Nakikita ko sarili ko sa kaniya’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Scottie Thompson humanga kay Ginebra rookie Jayson David – ‘Nakikita ko sarili ko sa kaniya’
Rey Joble
Published Jun 05, 2022 01:01 PM PHT

Tila di makapaniwala na maituturing nang beterano si Barangay Ginebra guard Scottie Thompson.

“Para kasing ang bilis ng panahon. Mag-i-eight years na pala ako sa Ginebra,” mungkahi ni Thompson sa eksklusibong interview ng ABS-CBN News.

Itinuturing siyang “face of the franchise” ng Gin Kings, pero may dagdag siyang responsibilidad ngayong season. At isa rito ang gabayan si rookie Jayson David, ang second-round pick ng Gin Kings sa nakaraang PBA Rookie Draft.

“Hindi pa ako sanay sa pag-mentor. Pero pag-aaralan ko mag-mentor ng mga rookies. Kung ano ’yung ginawa sa akin ng mga veterans before, katulad ni Kuya LA (Tenorio), ’yun rin ’yung ipapasa ko sa mga bagong pumapasok,” dagdag ni Thompson, na nahirang na finals MVP sa huli nilang kampeonato nito lang PBA Governors’ Cup.

Para kay Thompson, malaki ang tiwala niya kay David, na nagpapakita ng pambihirang work ethic.

“Nakikita ko sa kanya ’yung sarili ko nu’ng bata pa ako. Grabe siya sa hustle, magaling mag-rebound, then masipag rin siya sa depensa. Malaki rin respeto niya sa mga beterano. Mabait na bata, magaling makisama,” komento ni Thompson.

Isang pangarap na natupad para kay David ang makapaglaro sa PBA, lalo pa at napunta siya sa Ginebra.

“Sobrang nakaka-overwhelm kasi hindi ko ini-expect na kukuhain nila ako. Even nu’ng draft, hindi ko rin ini-expect na makukuha ako. Sobrang saya ko lang talaga na na-draft ako, tinutulungan ako ng mga teammate ko. Ginebra talaga yung isa sa mga dream teams ko nung bata pa ako,” ani David.

“ ’Yung mga veterans, tinutlungan ako kasi ilang weeks pa lang naman kami sa ensayo. Kapag nagkakamali ako, tinuturuan ako, kahit big man, tinuturuan ako.”

Nasa Gin Kings ang dalawa sa kanyang mga hinahangaang players – sina Thompson at Tenorio – kaya inspired siyang maging mabuting player.

“Si Scottie, siya talaga ’yung gusto ko, kasi parang halos pareho ’yung gusto namin – hustle. Gusto ko ’yung hustle niya pati ’yung istilo ng paglalaro. Pati rin si Kuya LA. Energy ni Kuya Scottie, utak ni Kuya LA,” dagdag pa ni David.

Sa mga tuneup games pa lang, nakitaan na ni coach Tim Cone ng potensyal ang rookie pick.

“We picked up Jayson David as our second round pick. We were really excited about him. We really like his defense. Ever since we lost Sol (Mercado), I’ve been looking gor a guy that could step in and fill that role, a physical, strong defender that can guard anywhere in the line up,” ang sabi ni Cone.

“We think we found that in Jayson. He’s got great defensive instincts. He’s good good feet and we’re excited about. He’s going to play right away for us. He’ll get the minutes immediately.”