Good vibes: 7 buwan nang nawawalang cellphone, binalik sa may-ari
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Good vibes: 7 buwan nang nawawalang cellphone, binalik sa may-ari
ABS-CBN News
Published Jul 27, 2018 06:20 PM PHT

Dumarami na ang mga kaso ng mga nawawalan ng mga gamit, kagaya ng cellphone kaya para sa iba mainam nang hindi umasang maibabalik ito.

Kaya't nagulantang si Cha Buenconsejo noong Hulyo 22 nang may nagtext sa kaniyang nahanap ang kaniyang iPhone, pitong buwan matapos ito mawala sa isang Uber.

"Three days [since I lost the phone], alam ko di na siya mababalik," aniya sa "Lingkod Kapamilya" ng DZMM.

Sabi ng kausap niya, na nakilala bilang si Arcel Concepcion Jr., natagpuan niya ang cellphone sa isang bus sa Fairview.

"Napansin ko na may phone na kulay black. Ayoko ibigay sa driver or konduktor, so tinabi ko muna," ani Concepcion.

Dead-bat ang nahanap nitong cellphone kaya bumili na muna siya ng charger para mabuksan ito.

Nang mabuksan na ang cellphone nakita sa lock screen ang number ni Buenconsejo kaya agad niya itong tinext gamit ng sarili niyang number.

Duda pa noon si Buenconsejo dahil hindi naman doon nawala ang kaniyang cellphone.

Pinaliwanag ni Concepcion na nakita sa lock screen ng phone ang kaniyang alternatibong number.
Pinaliwanag ni Concepcion na nakita sa lock screen ng phone ang kaniyang alternatibong number.
ADVERTISEMENT
Natandaan ni Buenconsejo ginamit niya ang FindMyiPhone na application para ma-display ang kaniyang contact number sa nawawalang cellphone kaya naniwala na siya sa sinasabi ni Concepcion.

Kahit inabisuhan siya ng iba na huwag nang makipagkita rito, nakipagkita pa rin siya dahil aniya, naramdaman niyang may magandang intensiyon ang nagtext.

"There was something with the way he texted. He was saying 'God bless' everytime he texts... Honestly it wasn't even about the phone," sabi niya.

Nagkita sila sa Kamuning noong Lunes at agad binalik ni Concepcion ang cellphone at ang binili niyang charger. Matapos ang kanilang pagkikita, inaluk ni Buenconsejo si Concepcion ng photo at reward money ngunit tinanggihan niya ito.

Pero pinost ni Buenconsejo ang photo ni Concepcion habang nagaantay ng sakay sa Facebook, at nag-viral ito.
Pero pinost ni Buenconsejo ang photo ni Concepcion habang nagaantay ng sakay sa Facebook, at nag-viral ito.
ADVERTISEMENT
"Here’s a picture of humanity being restored," aniya sa kaniyang post.

Aminado rin si Concepcion na medyo nagduda rin siya kay Buenconsejo.

Aniya, nalaman niya lamang na nag-post si Buenconsejo nang sabihan siya ng kaniyang anak na palihim nang nag-Facebook sa internet shop.

"Lalabas ang anak ko no'n para magpaprint. Pinagalitan ko 'yan nung una. Sabi niya 'Ikaw, Pa, ah? Viral ka na!' at pinakita niya,"aniya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Lingkod Kapamilya
good news
lost and found
iPhone
find my iPhone
heroic deed
bayanihan
honesty stories
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT