Grade 12 student sa Leyte, wagi ng P20M sa science competition
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grade 12 student sa Leyte, wagi ng P20M sa science competition
ABS-CBN News
Published Dec 08, 2017 03:05 AM PHT

Nadagdagan pa ang pride ng bansa matapos magkampeon sa international science competition ang isang estudyante mula Leyte.

Gumawa ng science video ang 18 anyos na si Hillary Diane Andales bilang kaniyang entry sa Breakthrough Junior Challenge, isang international science competition.

Gustong patunayan ng estudyante mula sa Philippine Science High School - Eastern Visayas Campus na hindi totoong maraming estudyante ang nangangamote sa physics kaya ginawa niyang simple ang pagpapaliwanag sa isang konsepto ng siyensiya.

“We think na ‘yung physics is all about equations. No, physics is about everything and it matters to everyone," ayon kay Andales.

Sa 11,000 entries mula sa 178 bansa, ang entry niya ang nagkampeon at nagkamit ng premyo na $400,000 o higit P20 milyon.

Gagamitin ang $100,000 pambili ng mga gamit sa kanilang school laboratory na ipinangalan na sa kaniya.

Para naman sa kaniyang guro ang $50,000 habang college scholarship ni Andales ang $250,000.

Aminado si Andales na hindi naging madali sa kaniya ang tagumpay.

Napabilang siya sa top 6 finalists pero hindi siya nag-champion sa unang sabak niya sa kompetisyon noong 2016.
Napabilang siya sa top 6 finalists pero hindi siya nag-champion sa unang sabak niya sa kompetisyon noong 2016.
ADVERTISEMENT
Sa kabila nito, hindi siya nawalan ng pag-asa kaya inspirasyon siya ngayon ng mga kapwa estudyante.

Umaasa si Andales na sana mas suportahan ng gobyerno ang siyensiya.

Candidate for valedictorian din si Andales pero mataas man ang mga naabot at kaya pang abutin, umaasa siya na marami pang kabataan ang mas magkakainteres sa physics gaya niya.

Isa sa mga pangarap niya ay makabuo ng science program kagaya ng “Sineskwela”. -- Ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News

Read More:
Hillary Diane Andales
Breakthrough Junior Challenge
science
physics
good news
Tagalog news
PatrolPH
Bandila
DZMM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT