Bus galing Cavite huli sa Parañaque dahil sa overloading | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bus galing Cavite huli sa Parañaque dahil sa overloading

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2022 06:53 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Nagmistulang sardinas ang mga sakay na pasahero ng isang bus na nahuli sa Parañaque dahil sa overloading.

Paliwanag ng driver ng bus, meron silang nadaanang aksidente ng bus sa Cavite at bukas-palad aniyang tinulungan at pinasakay ang mga pasahero nito upang hindi ma-stranded.

Pero nagsumbong ang mga pasahero sa mga operatiba na hindi ito totoo.

Giit nila, wala naman silang aksidenteng nadaanan at punuan na ang bus habang nasa mga lungsod ng Dasmariñas at Imus, Cavite pa lamang ito.

Hindi rin umano mapaliwanag ng driver kung bakit Lawton ang display na sign board ng bus niya, imbes na PITX lamang ito.

Kinumpiska ng Inter-agency Council for Traffic ang lisensya ng driver at binigyan ng temporary operator's permit ang operator ng bus dahil sa violation ng excess passenger.

Paalala ng I-Act, kailangang isaalang-alang ang health protocols para sa kaligtasan ng mga pasaherong kanilang sineserbisyuhan lalo't hindi pa tapos ang pandemya.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News