Cleanup sa 'Garbage Island' sa Parañaque River, aabutin ng 4 buwan: MMDA

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cleanup sa 'Garbage Island' sa Parañaque River, aabutin ng 4 buwan: MMDA

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang desilting at paghuhukay ng tambak-tambak na basura sa bungad sa Parañaque River malapit sa Manila Bay.

Tinagurian na itong garbage island dahil sa pinagsamang lupa at basura na natayuan na rin ng ilang barong barong na tinitigilan ng mga mangingisda.

Kapag high tide, lubog sa tubig ang lahat ng basura pero ngayong low tide kitang-kita ang ilang daang metro ng basura.

Pinupuntahan na rin ito ng mga ibon lalo’t kalapit na ito ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area na isang wildlife sanctuary.

ADVERTISEMENT

Ayon sa MMDA, ang tambak ng basurang ito ay isa sa mga nagdudulot ng pagbaha sa mga komunidad malapit sa Manila Bay kaya kailangan itong tanggalin.

Bukod sa nakakaharang sa daloy ng tubig papuntang dagat nakalalason din ang basura sa tubig.

Tantiya ng MMDA na aabot ng tatlo hanggang apat na buwan bago tuluyang maialis ang lahat ng basura.

Ginagamitan ngayon ng backhoe ang pag-alis ng basura at kinokolekta ng mga dump truck.

Sabi ng MMDA na nagkabit na rin sila ng 30 trash net para saluhin ang mga naiipong basura sa mga kanal at estero naman sa Metro Manila.

Nananawagan din sila sa publiko na mag report sa kanila sa ganitong pagtambak ng basura sa iba pang waterways sa National Capital Region.

- TeleRadyo 9 Nobyembre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.