Dolphy getting better says son
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dolphy getting better says son
Mika Esperanza
Published Jun 20, 2012 12:06 AM PHT

Magandang balita sa fans ni King of Comedy Dolphy dahil patuloy ang pagbuti ng kalagayan nito mula nang maisugod sa ospital noong nakaraang Sabado.
Sa report ng
TV Patrol
nitong Lunes, sinabi ni Eric Quizon, anak ni Dolphy na itinigil na ang paggamit ng kanyang ama ng ventilator machine.
Ani Eric, oxygen tank na lang ngayon ang ginamit ni Dolphy para makatulong sa kanyang paghinga.
'
Tinanggal na siya doon sa
machine
'yung tinatawag na
MEG ventilator,
yung nagpa
-pump
ng
oxygen
sa katawan niya sa
system
niya.
Although
hindi pa talaga tinanggal yung tube pero ngayon nakakabit na lang siya sa isang
oxygen tank which is actually good news because he's breathing on his own,' ani Eric.
Sa panayam naman kay Ronnie Quizon, isa pang anak ni Dolphy, ibinahagi niya ang kasiyahan sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ng kanyang ama, na nakikisakay pa sa kanilang mga biro.
Nagpahayag din ito ng muling pasasalamat ng pamilya Quizon para sa walang patid na pagdarasal ng mga Filipino para sa agarang paggaling ng Hari ng Komedya.
“I sincerely believe that the prayers help
kasi minsan ang bilis.
We were prepared, we would talk about a lot of things even like worse comes to worst. Everytime we would talk about the worst thing, it's like
doon magkakaroon ng
development or improvement
sa
dad
ko
,” ani Ronnie.
Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT