EXCLUSIVE: Multi-awarded actor Allen Dizon, takot sa gay roles

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Multi-awarded actor Allen Dizon, takot sa gay roles

Leo Bukas

Clipboard

Maraming aktor ang very open sa pagtanggap ng gay roles. Nito na lang 2017 Metro Manila Film Festival ay bumandera sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa bilang mag-best friends na mga beki sa pelikulang Deadma Walking.

Pero para sa multi-awarded aktor na si Allen Dizon, hindi niya keri ang maging muher sa pelikula.

“Siguro dahil hindi ako komportable at saka hindi ako komportableng umarteng na bakla ako. Parang hindi bagay. Parang naaasiwa ako, parang awkward para sa akin,” natatawa niyang simula sa PUSH.

Patuloy ni Allen, “Although sabi naman, puwede namang ano, eh, pwede namang turuan, pwede namang pag-aralan at may magtuturo naman. Sabi ko, sige. Pero yung nakadamit babae tapos umaarte akong babae, parang hindi ko pa talaga kaya ngayon.

ADVERTISEMENT

“Yung magdamit (ng babae) okey pa siguro, pero yung umaarte akong parang babae hindi ko pa talaga kaya.”

Kaya naman daw niyang maging bading sa pelikula pero yung hindi ladlad na kuntodo naka-make-up, naka-wig at naka-high heels.

“Yung umarteng macho gay kaya ko siyempre, hindi yung naka-cross dress ka, naka-lipstick ka. Kasi feeling ko awkward kasi ang laking tao ko, eh.

“Baka hindi effective, eh. Baka magmukha akong tanga, eh, di ba?” rason ni Allen.

Sa bagong pelikula ni Allen sa BG Productions na Latay under the direction of Ralston Jover ay hindi naman naiwasang magsuot siya ng damit ng babae habang pumaparada sa Pampanga.

ADVERTISEMENT

“Yon naman kasi lalaki pa rin naman, eh. Hindi naman siya aarteng babae, macho pa rin. At saka isang araw lang yon.”

Inamin din ng aktor na ang mga gay roles nina Alan Paule at Gardo Verzosa sa pelikula ay naunang in-offer sa kanya pero tinanggihan niya.

“Kailangan kasi ng time, eh. Kasi nung in-offer naman sa akin yung role ni Alan parang kinabukasan syuting na agad. Sabi ko, bigyan muna sana ako ng time magpapayat, para at least, di ba, pag lumabas ko, yung transformation ko iba,” kuwento pa niya.

Sa role sa pelikulang Latay bilang isang battered husband, ano ba ang paghahandang ginawa niya?

“Kinailangan kong kausapin yung mga lalaking battered husband kasi hindi ko nakikita yung sarili kong ganun, eh. Baka kasi may mali pag umarte akong ganun, eh, di ba?”

ADVERTISEMENT

Nag-research din daw siya at nakipag-meeting sa kanyang director bago sumalang sa shooting.

Nagbigay din ng reaksyon si Allen sa mga tinatawag na “battered husband.”

“Siyempre wala kang bayag. Yung mga ‘takusa’ (takot sa asawa) minumura ko, eh. Parang ikaw naman ang nagtatrabaho pero bakit ka pumapayag na ginaganun ka ng asawa mo?

“Kasi puwede n’yo namang pag-usapan yon, di ba? Hindi naman tayo araw-araw magkakasama ng mga asa-awa natin. Kasi may mga time na ganun, yung mga barkada ko magkakasama kami pero biglang uuwi na kasi tawag ng asawa.

“O kaya hindi makakapunta dahil hindi pinayagan ng asawa. Di ba?

ADVERTISEMENT

“Ako, hindi ako ganun. Never akong nagpa-under. Hindi naman ako nagkukulang ng oras sa kanila, sana kung nagkukulang ako ng oras, puwede niya akong sumbatan, di ba?

“Good provider naman ako. Pag may trabaho ako, trabaho lang ako. Pag nasa bahay ako, sa bahay ako. May time ako sa kanya (misis) at sa mga anak ko.

“Mahal na mahal ko yung asawa ko pero hindi dumating sa point na… you have your own life, di ba? May sarili akong buhay. May sarili akong kaibigan, may sarili akong kapatid, kamag-anak, kung anu-ano.

“Siya din, meron din. So, ba’t ka lang don sa box mo, don sa asawa mo lang naka-focus? Kumbaga, ang dami pang puwedeng gawin,” paliwanag ng multi-awarded actor sa PUSH.

Read More:

Allen Dizon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.