Bianca Gonzalez, ikinuwento ang pagsisimula ng kaniyang ‘Pa’no Ba ‘To’ vlogs

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bianca Gonzalez, ikinuwento ang pagsisimula ng kaniyang ‘Pa’no Ba ‘To’ vlogs

PUSH TEAM

Clipboard

Binalikan ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez ang pagsisimula ng kaniyang inspirational at educational YouTube channel na Pa’no Ba ‘To.

Sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, March 11, sinabi ni Bianca na inspired sa kaniyang inilabas na librong may parehong title noong 2014 ang kaniyang channel ngayon.

"Nung nag-iisip ako kung anong pwede kong gawin sa YouTube, kasi gustong-gusto ko magka-YouTube channel, pero hindi naman ako mahilig sa makeup, or sa damit, hindi naman ako pwede magpa-tawa so ito yung naisip ko kasi nga galing 'to sa libro ko.

"Pero ang nakita ko do'n is lahat din ng tao na may napagdaanan, gusto ko ring i-share sa iba kung paano nila nagawa,” kuwento ni Bianca sa mga momshie hosts.

ADVERTISEMENT

Nagsimulang mag-upload ng kaniyang self-made videos si Bianca noong 2017. Sa kaniyang channel na may 123,000 subscribers at 110 videos na sa pagkakasulat nito, patuloy na naglalabas si Bianca kasama ang iba’t-ibang guests tulad nina Charo Santos, Catriona Gray, Vice Ganda, Boy Abunda, maging ang momshie hosts, at iba pa.

Ayon pa kay Bianca, isang taon pang nahuli para i-apply niya ang channel sa monetization, dahil para sa kaniya hindi ito ginawa para pagkakitaan.

"Sa totoo lang hindi naman kasi yung purpose ko. Kumbaga yun ang way ko mag-give back,” paliwanag niya.

Sa parehong episode din ng morning talk show ay isinelebreyt ni Bianca ang kaniyang ika-37 na kaarawan.

Read More:

Bianca Gonzalez

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.