Seth Fedelin bilang breadwinner ng pamilya: ‘Dati, hindi ko nakikita sarili ko na magagawa ko to’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Seth Fedelin bilang breadwinner ng pamilya: ‘Dati, hindi ko nakikita sarili ko na magagawa ko to’
PUSH TEAM
Published Mar 08, 2020 11:05 PM PHT

Sa episode ng "Magandang Buhay" nitong Biyernes, March 6, inalala ng "Pinoy Big Brother OTSO" ex-housemate na si Seth Fedelin ang pinagdaanan ng kaniyang pamilya noon nang ma-stroke ang ama.

Ayon kay Seth, siya ang naging tagapangalaga ng mga kapatid habang nasa ospital ang ama na bantay naman ng kaniyang ina.

"Hindi nila (mga kapatid) alam, ang alam lang nila nasa ospital si papa nagpapa-check up lang. Halos kami magkatulong ng mama ko no'n sa papa ko. Alam mo yung idol mo [nakikita mong] hirap magsalita, bumangon, kailangan ng alalay.

"Kapag nakikita ko yung mama ko, sinasabi ko [sa sarili ko], siguro kung ibang nanay 'to, baka sumuko na sa kaniya. Tatlo pa kaming anak na nag-aaral. Kaya bilang kuya sa mga kapatid ko, pinapakita ko sa kanila na okay lang si papa, napagod lang, nasa ospital, nagpapagaling lang yan," kuwento ni Seth sa mga momshie hosts.

Si Seth ang panganay sa tatlong magkakapatid. Sa ngayon madalas na lang makauwi sa kanilang bahay sa Cavite si Seth dahil sa kaniyang trabaho dito sa Maynila. Ayon pa sa kaniya, hindi pa siya sanay sa ganitong set-up at bilang breadwinner ng pamilya.

"Hindi po ako sanay sa ganitong buhay. Kasi 16 years nasa Cavite ako, kasama ko mga kapatid ko, ganon yung buhay namin. So nung pumasok na ako sa ganito, parang mas lalo akong natutong tumayo sa dalawa kong paa.

"Alam mo yung uuwi ka galing trabaho, tapos hinahanap mo si mama, si papa, mga kapatid ko. Kahit magpuyat ako nang isang linggo, yun lang makita ko pag uuwi ako ng bahay, okay na ako," pahayag ng aktor.

Proud na ibinahagi rin ni Seth ang mga naiambag o naitulong na niya sa pamilya, tulad ng motor ng ama, ang pagpapaayos ng bahay, at pagpaparal ng dalawang kapatid.

"Yung papa ko, nabilhan ko ng motor, tapos yung bahay ko napaayos na ng konti, mga kapatid ko nabibigyan ko ng mga gamit nila, tapos nakapagbibigay ako ng konting pera para sa mga magulang ko na dati naman hindi ko nakikita sa sarili ko na magagawa ko yun," kuwento ni Seth na ikina-proud ng mga momshie hosts.

Matapos ang "Pinoy Big Brother OTSO," nakilala si Seth bilang bagong katambal ni Andrea Brillantes sa natapos nang teleserye na "Kadenang Ginto." Mapapanood ang dalawa kasama sina Kyle Echarri at Francine Diaz sa YouTube channel ng The Gold Squad.

Read More:
Seth Fedelin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT