Michael V, ikinalungkot ang pagkamatay ng alagang ibon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Michael V, ikinalungkot ang pagkamatay ng alagang ibon

Leah Bueno

Clipboard

kinalungkot ng komedyanteng si Michael V. ang pagkamatay ng kanyang alagang ibon.

Sa Instagram noong Lunes, Disyembre 6, isang madamdaming post ang ibinahagi ng Bubble Gang star kung saan inalala niya ang kanyang sun conure na si Pepper.

"It's our first time losing a pet after a long while. Hindi 'yung nawala o naligaw o ninakaw kundi 'namatayan' ng alaga," aniya. "Kung may alaga kang aso o pusa, I'm sure gets mo na 'yung sinasabi ko, pero 'yung alaga namin is a bird. A sun conure named Pepper.

"I didn't care much about him nung dumating siya sa bahay. After all 'yung bunso ko naman talaga ang may gusto sa kanya. My wife even got two conures para daw hindi sila malungkot in case mapabayaan. One day, 'yung isang conure, flew away and didn't come back, leaving us with Pepper.

ADVERTISEMENT

"There was one time na lumipad na rin si Pepper at hindi bumalik overnight pero nung umuwi siya kinabukasan, after a night of rainfall, parang nagsisi siya. And we were kinda assured na hindi na uli siya aalis. Plus, we found out that they can life up to 30 years or so kaya we were confident that he'll be around us for a long time."

Ngunit sa kasamaang palad ay nadali umano ng isang pusa si Pepper at kaagad itong namatay.

"Sabi ng household namin, lumipad daw si Pepper sa bakod and as soon as he landed, the cat got him by the head and dragged him away. Wala nang nagawa 'yung mga tao namin sa sobrang bilis ng mga pangyayari. At siyempre, hindi mo rin naman masisi 'yung pusa," ani Michael.

"I held Pepper's lifeless body in my hands. May patak pa ng dugo 'yung makulay na feathers niya. He was still warm and his eyes were half open but he wasn't moving. Had I known how to perform CPR for birds, baka sinubukan ko e."

Kwento ni Bitoy, lahat sila sa bahay ay nag-iyakan sa pagkamatay ni Pepper dahil minahal na nila ito nang husto. Paliwanag niya, isa ang kanilang alagang ibon sa mga nagpasaya sa kanyang pamilya noong nag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT

"Natuto siyang lumipad at dumapo sa amin 'pag tinatawag namin siya. Madalas, literal na nakikitawa pa siya sa amin when he hears us laughing at humahalik sa lips namin when he gets the chance. And for a tiny creature, I never thought he'd be able to express love and gratitude but surprisingly, he did! Naramdaman naming lahat na mahal niya kami," aniya.

Ani Michael, sa pagkamatay ng kanyang alagang ibon ay isang bagay ang napagtanto niya—na hindi nababase sa laki, kasarian, o kahit pa sa species ang pagmamahal.

"Basta nagmahal ka and they love you back, that's all that actually matters."

Patuloy pa ni Bitoy: "Nakakainis nga kasi lagi along nadidiktahan ng logic. And logic dictates that Pepper is, well... 'just a bird'. Sometimes I even call him a 'dumb bird' 'pag hindi niya ginagawa what's good for him! Pero what made Pepper different is that he's OUR dumb bird and we absolutely love his dumbness nonetheless.

"At ngayon na wala na siya, I realize, ang sakit pala. I never expected losing a pet can be this heartbreaking."

ADVERTISEMENT

Sa kanyang post, nagbigay ng paalala si Michael para sa kanyang mga libo-libong taga-sunod sa social media.

"Kaya kayo diyan, sana you don't take your loved ones for granted. Lalung lalo na if they were able to make you feel how much they love you," aniya. "Mas masarap sa pakiramdam ang magmahal kesa maiwan ng mahal mo sa buhay."

Ibinahagi rin niya ang kanyang huling mensahe para sa pumanaw na alaga.

"We love you, Pepper, and we're going to miss you. We all wish you could've stayed for a little longer," aniya. "Goodbye forever. Now you are truly free."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.