Darren, first time humarap sa FUNishment | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Darren, first time humarap sa FUNishment | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Aug 22, 2024 04:21 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Eyy ka muna! Eyy! Ang ‘Showtime’ family, nag-flex ng kanilang rap skills dahil sa bisita na on fire ang pagiging musikata. Magaling sa musika, at may dugong makata? ‘Yan si J-Rose! Performance niya sa “It’s Showtime” stage, deserve ang malakas na applause.

Yo! Yo! Yo! Kanta niyang “Hangarin,” ano ba ang kwento? Mga salita’y sa kanyang Ina alay. Hangarin niya’y handugan siya ng pagmamahal at tagumpay.

Samantala, may sinabi si MC. Ano ‘yun? At bakit naluha si J-Rose?

Naluha si Kim Chiu nang ibahagi ang karanasan sa pamimigay ng biyaya sa random madlang people. Pero hindi dahil may pa-blessing ay ligtas na ang lahat sa FUNishment sa “Bata Bata Pick.”

ADVERTISEMENT

Sinimulan ni Ryan Bang ang katuwaan. Pangalan ni Lassy ang nakuha niya sa bunutan. Magtagumpay kaya ang bata nila? O si Lassy ay makakatanggap ng parusa?

Darren Espanto, ikaw ang alay for today’s video! Sinubukan pang suhulan ng chocolate si Kelsey para ma-motivate. Pero mukhang mas malakas ang panalangin ni ‘bestie’ Kim Chiu niya na sana ay makatikim siya ng parusa. Ang ending, si Darren, nag-tunog aso at kailangan niyang panindigan ang parusa haggang matapos ang show

Hindi rin nagwagi ang bata nina Jackie Gonzaga at Jugs Jugueta. ‘Yung FUNishment: OOTD swap! Si Jugs, nag-crop top!

Parang pelikula ang kwento ng pag-ibig ni Rosita. Deserve ng re-enactment para mas ramdam ang kwento! Panoorin ang masayang episode ng “EXpecially For You!”

Si Rosita, ligawin noong kabataan. At may isang lalaki na sa puso niya’y bumihag. Matapos ang dalawang buwan ng suyuan at konting pagpapakipot, manliligaw niya’y sinagot. Pero hindi puro rosas ang pag-ibig. Dahil si ‘ex’ ay may bisyo sa pag-inom, dahilan para si Rosita ay mag-alsa balutan. Ilang taon din silang nagkahiwalay ni husband. Pero nang malaman niyang si husband ay may sakit, umuwi siya para iparamdam ang kanyangpag-aalaga at malasakit. Silang dalawa pa rin ang magkasama hanggang sa dulo ng buhay ng mahal na asawa.

ADVERTISEMENT

Ilang taon na rin naman siyang biyuda. Pwede nang maghanap ng bagong kakilala. Puso’y muling tumibok sa isang taong nakilala sa dating app. Pero relationship nila’y hindi nag-work, dahil sa ‘extracurricular’ activities ni ex.

Kaya naman, heto si Rosita, kasama si BFF Lucita, kikilatis ng mga searchees na pwedeng makasungkit ng puso niya.

Talento sa singing ay nagningning. Tunghayan ang matinding salpukan ng boses sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado ang pambato ng University of St. La Salle. Chill lang ang atake ng acoustic singer na si Daphne Bonotano sa pagkanta ng “A Thousand Miles.” Ang sikereto raw sa magandang boses ni Daphne: kape! Si hurado Bituin Escalante, na-impress sa runs and unique rendition ni Daphne.

Hindi naman nagpakabog si Mark Jason Laguerta ng Governor Mariano E. Villafuerte Community College na umawit ng “’Wag Ka Nang Umiyak.” Ang parlorista, break muna sa paggamit ng gunting, dahil today, magpapabilib muna siya sa singing.

ADVERTISEMENT

Bukod sa performances ng contenders, inabangan din ng lahat ang komento ni hurado Darren, na tuloy ang FUNishment na magsalita habang tunog aso! Tuwang-tuwa si Kim sa FUNishment ni Darren. Naku, Kimmy, lagot ka ‘pag si bestie mo’y gumanti! Alamin din ang komento ni Ogie.

Sa huli, si Daphne ang nakakuha ng mas mataas na grado!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.