Pagdiriwang ng pista ng Divine Mercy sa the Netherlands
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagdiriwang ng pista ng Divine Mercy sa the Netherlands
Jofelle Tesorio | TFC News the Netherlands
Published Apr 26, 2023 03:43 AM PHT

HAARLEM - Ibinalik ng mga debotong Pilipino sa the Netherlands ang paggunita sa Feast of the Divine Mercy. Taunan talaga itong ginugunita pero nahinto dahil sa pandemya.

Ang pista ay itinataguyod ng Divine Mercy Apostolate Holland at iba pang Filipino Catholic groups. Ang Divine Mercy ay debosyon kay Hesukristo at isa sa mga pangunahing gawain nito ay ang pagdasal araw-araw, tuwing alas-tres ng Hour of Mercy, paggunita ng Feast of the Divine Mercy at pagdarasal ng novena.

"We have always been praying daily to the Divine Mercy and we have witnessed the mercy of God through answered prayers all throughout the year, every day at 3 o’ clock,” sabi ni Mel at Daday de leon, Couples for Christ-Netherlands.

Sa pagsisimula ng pista, pinangunahan ang Misa ni Bishop Jan Henriks ng Haarlem-Amsterdam diocese. Masaya ang mga dumalo sa Misa na nagpabasbas ng kanilang mga imahe ng Divine Mercy.

"Being here the first time feels very warm. The blessing, ‘yan ang nafi-feel ko the first time. ‘Yong warmth ng bawat isa,” sabi ni Emily, Pinoy devotee sa the Netherlands.

"Ang ganda ng feeling, almost every year akong pumupunta rito," sabi ni Lyn Vet, Pinoy devotee. Ngayong taon, punong-abala ang Couples for Christ Netherlands.

Sa pagpapakita ng taimtim na debosyon, nagiging instrumento rin ang mga Pilipino sa paghikayat na muling magbalik sa Panginoon at maging aktibo sa kanilang pananampalataya, hindi lang sa mga kapwa Pinoy at Dutch, kundi maging sa ibang lahi.

Bagamat mayorya pa rin ang mga Katoliko sa the Netherlands; malaki na ang ibinaba ng kanilang bilang. Mula 40% noong 1970s, bumaba na sa 21% ang aktibong mga Katoliko nitong mga nakaraang taon.

Marami rin ang hindi na nagsisimba kaya maraming simbahan ang nagsara at ginawang museum, apartments, opisina o kaya mga bar. Ito ang gustong mabago ng organizers na masaya sa pagbabalik sigla ng religious activities.

"The other thing that I'm really happy about, is seeing that the Filipino community is instrumental in keeping the faith, strengthening, and bringing everybody back to the Church. If we continue to bring good positive vibes to others, who have lost their hope, the churches will not be closed,” sabi ni Mel at Daday de Leon, Couples for Christ-Netherlands.

Kung dati raw ay mga banyagang pari ang pumupunta sa Pilipinas; ngayon maraming Pilipinong pari at misyonero ang pumupunta naman sa the Netherlands para buhayin at palaganapin muli ang Katolisismo sa mga Pinoy, Dutch at ibang lahi.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa the Netherlands, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT