Alex Gonzaga, nagbigay ng tips sa mga nais maging vlogger
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alex Gonzaga, nagbigay ng tips sa mga nais maging vlogger
ABS-CBN News
Published May 28, 2019 01:18 PM PHT

MANILA – Hindi maikakaila na isa si Alex Gonzaga sa mga pinakasikat na vlogger sa Pilipinas ngayon.

Pumapalo ng milyon-milyong views ang YouTube channel ni Alex, kung saan ipinapasilip ng aktres ang kanyang buhay sa likod ng camera.

At sa kanyang pinakabagong video, nagbahagi si Alex ng tips para sa mga taong gusto ring pasukin ang mundo ng vlogging.

Paulit-ulit na sinabi ni Alex na maging totoo sa sarili upang maging “unique” ang content sa vlog.
Paulit-ulit na sinabi ni Alex na maging totoo sa sarili upang maging “unique” ang content sa vlog.
ADVERTISEMENT
“This is the right time to showcase who you really are. Ginawa ang social media… to showcase one’s individuality and uniqueness,” paliwanag niya.

“So instead na sundin mo kung ano ‘yung trending o kung ano ‘yung nakikita mo sa social media, ipakita mo sa social media kung sino ka talaga.”

Ngunit paalala ni Alex, dapat ay huwag kalimutan ng mga vlogger na respetuhin ang mga tao sa paligid nila.

“Di naman puwede parating, ‘This is me, this is me.’ Siyempre, you have to respect other people, you also have to know how to be polite, to be kind,” aniya.

Pagdating naman sa mga bashers, ito ang payo ni Alex: “Masasaktan ka lang sa mga sinasabi ng ibang tao dahil partly naniniwala ka sa sinasabi nila. Pero ‘pag kilala mo ‘yung sarili mo, alam mo kung ano ‘yung worth mo at kung sino ka… hindi ka magpapaapekto.”

Dagdag ng aktres: “Dapat at peace ka sa sarili mo. May mga times na magkakamali ako pero alam ko na ‘yung pagkakamali ko ay ginawa ko freely at hindi sinabi ng ibang tao, [so] I own up to my mistakes.”

Narito ang video ni Alex tungkol sa pagiging isang vlogger: