Paano i-let go ang mga 'emotional baggage' bago salubungin ang 2020?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano i-let go ang mga 'emotional baggage' bago salubungin ang 2020?
ABS-CBN News
Published Dec 27, 2019 04:27 PM PHT

MAYNILA — Sa pagpasok ng bagong dekada, maraming nag-iisip na baguhin ang kanilang lifestyle para sa ikabubuti ng kanilang buhay.

Pero ayon sa mga pag-aaral, malaking sagabal sa pagnanais na ito ang mga tinatawag na "emotional baggage," na nakukuha sa mga hindi magandang karanasan.

Ang emotional baggage na ito ay hindi lang sa isip nananatili kundi nagkakaroon din ng masamang epekto sa pisikal na pangangatawan tulad ng pananakit ng ulo, tensiyon sa balikan, at pagkasira ng sikmura.

Kaya ayon sa inspirational author na si Susan Vidal, mainam na salubungin ang 2020 na walang bagahe.
Kaya ayon sa inspirational author na si Susan Vidal, mainam na salubungin ang 2020 na walang bagahe.
ADVERTISEMENT
Sa panayam ng DZMM kay Vidal, inihalintulad niya ang buhay sa isang paglalakbay sa airport kung saan may limit ang maaaring bitbit na bagahe.

"Ang buhay ay parang ganon din, kung ano lang ang ating dapat dalhin sa kinabukasan, iyon lang."

Sabi ni Vidal, kadalasang ugat ng emotional baggage ang hindi pagpapatawad.

"Nasaktan ka eh," ani Vidal.
"Nasaktan ka eh," ani Vidal.
Kaya simple lang ang sagot ni Vidal: ang matutong magpatawad.
Kaya simple lang ang sagot ni Vidal: ang matutong magpatawad.
ADVERTISEMENT
"Kung meron pang sakit sa looban niyo dahil sa mga taong nakasakit sa inyo, forgive na... Imagine kapag hindi ka nagpatawad, para kang umiinom ng soft drinks na malamig, pero 'yung straw nakabuhol kaya hindi mo matikman ang sarap nito," sabi ng manunulat.

"Kapag ni-release mo, mararanasan mo lahat ng grasya," dagdag niya.

Sabi pa ni Vidal, gawin ang pagpapatawad kahit hindi na para sa nakagalit kundi para sa ikagagaan ng sarili.

"I'm giving a benefit to myself if I release it... The forgiveness is more for my benefit rather than to others," sabi ni Vidal.