9 umanong illegal fishing vessel sa Mauban, Quezon nahuli ng BFAR

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 umanong illegal fishing vessel sa Mauban, Quezon nahuli ng BFAR

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Hindi pa rin nawawala sa mga karagatang sakop ng lalawigan ng Quezon ang mga ilegal na paraan ng pangingisda.

Sa virtual press briefing ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes, inanunsyo nito ang pagkakahuli sa 9 na commercial fishing vessel na gumagamit ng tinatawag na buli-buli o hulbot-hulbot sa bayan ng Mauban, Quezon.

Ayon sa BFAR, kabilang ang hulbot-hulbot sa mga uri ng pangisda na ipinagbabawal sa ilalim ng mga umiiral na panuntuhan ng kagawaran.

Disyembre 31, 2020, nang masabat ng mga operatiba ng BFAR sa Quezon ang 9 na bangkang pangisda na nakadaong sa bahagi ng Tupacan River sa Brgy. Tapucan.

ADVERTISEMENT

Ayon kay BFAR director Eduardo Gongona, bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan at sa mga legal na mangingisda dahil sa illegal fishing gaya ng paggamit ng hulbot-hulbot o buli-buli.

Kabilang sa mga nahuli ang Ening-1, Vanessa II, Vanessa I, Leanel-M, Ening, Reana Leih, Lady Vanessa M. Uno, Audrey-B, at Vanessa-7.

Sa imbestigasyon ng BFAR-Quezon, dati na ring nahuli sa ilegal na pangingisda ang Vanessa-I at Vanessa-7.

Paliwanag ng BFAR, masyadong nakakasira sa pangisdaan ang paggamit ng hulbot-hulbot kung saan nakakonekta ang mga ginagamit na net sa tinatawag na "sinkers."

Sinabi ng BFAR na maging ang pag-iingat ng hulbot-hulbot at mga paraphernalia nito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Fisheries Administrative Order 246-1.

–Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.