'Medyo nagre-relax': Mga PUV na lumabag sa traffic, health protocols sinita
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Medyo nagre-relax': Mga PUV na lumabag sa traffic, health protocols sinita
ABS-CBN News
Published Jan 15, 2021 07:48 PM PHT

MAYNILA— Pinuntirya ang mga pampasaherong sasakyan na lumagpas sa kanilang ruta at lumabag sa health protocols sa panibagong operasyon ng mga awtoridad sa Pasay City at Maynila Biyernes ng umaga.

Ikinasa ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) Special Operations Team, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Philippine National Police Highway Patrol Group ang operasyon.

Sa kabuuan, nag-issue ng 36 tiket ang mga enforcer sa mga nasitang sasakyan, 11 sa kanila ay para sa paglabag sa health protocols.

Nasita ang mga bus at jeep na nadatnan ng mga enforcer sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard dahil sa pagiging "out of line" - o nagbaba at nagsasakay ng pasahero bukod sa kanilang ruta.

Enforcers from i-ACT, LTFRB & PNP HPG apprehend PUVs going "out of line" or getting & alighting passengers outside their authorized routes.
These buses & jeeps are supposed to stop at the PITX in Paranaque, but were caught at EDSA-Roxas Blvd in Pasay
(📸: Rap Rodriguez) pic.twitter.com/u8rFkvcrzG
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) January 15, 2021

Mula Cavite hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) lang dapat ang biyahe ng mga ito pero umabot na sila sa Pasay.

Naabutan pa ang mga PUV na pumipila sa kalsada. Nahuli naman ang isang UV Express van na nagbababa at nagsasakay sa maling lugar.

Nadiskubre naman sa isang jeep ang isang expired na fire extinguisher na isa sa mga requirement sa mga pampublikong sasakyan pero hindi naman mapakinabangan.

Sa Lawton sa Maynila, ininspeksyon naman ang mga bus sa pagtalima nila sa health protocols. Nasita rin ang ilang mga motorcycle rider na walang suot na helmet.

Ayon kay retired Col. Jose Manuel Bonnevie, team leader ng I-ACT Special Operations Team, lumuluwag ang pagsunod dito ng mga PUV kapag matagal nang hindi nagiinspeksyon.

"Ang problema lang talaga rito ngayon, 'yong mga public transport, karamihan medyo nagre-relax sa pagpapasuot ng face shield," sabi niya.

Sinisilip ng mga taga-I-ACT kung sinusunod ang tinaguriang 7 commandments ng Department of Transportation.

Kasama rito ang pagpapasuot sa mga pasahero ng face mask at face shield, pagbabawal na magsalita, makipag-usap sa telepono at kumain, maayos na ventilation o daluyan ng hangin sa loob, regular na disinfection, at physical distancing.

RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
transportation
transport
traffic
health protocols
LTFRB
i-ACT
health
COVID-19 traffic protocols
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT