Barangay kagawad, arestado dahil sa pag-iingat ng mga baril, bala

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay kagawad, arestado dahil sa pag-iingat ng mga baril, bala

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

AMULUNG, Cagayan — Arestado ang isang opisyal ng Barangay Masical sa bayan na ito dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala.

Ayon kay Senior Superintendent Ronald Gayo, hepe ng Philippine National Police (PNP) Criminial Investigation and Detection Group (CIDG) Region 2, hapon noong Huwebes nang halughugin nila ang bahay ni Barangay Kagawad Limon Saquing, 51-anyos, dahil sa impormasyon nagtatago ito ng mga hindi lisensyadong mga baril.

Nagpositibo naman ang operasyon kung saan narekober ang tatlong uri ng baril kabilang ang isang M 14, isang 12-gauge shotgun at isang homemade pistolized 12-gauge shotgun. Nakakumpiska rin ang mga magazine at samu’t saring mga bala.

Dahil walang naipakitang anumang dokumento na magpapatunay sa legalidad nang pagmamay-ari ng mga baril ni Saquing ay agad siyang inaresto ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

Sa bayan naman ng Gonzaga, arestado rin ang magsasaka na si Ronel Rituria matapos makumpiskahan ng caliber .22 rifle nang halughugin ang kaniyang bahay noong Miyerkoles.

Habang mga magazine at samu’t saring mga bala nang matataas na kalibre ng baril ang nakumpiska sa 40-anyos na magsasakang si Vicente Bungcag ng Angadanan, Isabela.

Nasampahan na ang mga suspek ng reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o New Firearms Law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.