Refund sa tour package na 2 taon naantala inireklamo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Refund sa tour package na 2 taon naantala inireklamo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Inireklamo ng isang babae ang isang travel agency nang hindi pa umano ibigay ang refund para sa ikinanselang biyahe nila ng kaniyang anak pa-Hong Kong.

Idinaan ni Mary Joy Arenas ang reklamo sa programang Lingkod Kapamilya ng DZMM, Martes ng umaga.

Kuwento ni Arenas, bumili siya sa Trajet Travel and Tours ng dalawang tour package para sa kaniya at sa kaniyang anak mula Metro Manila patungong Hong Kong sa halagang P24,000 noong Setyembre 2017.

Aniya, kumagat siya sa alok na tour package dahil mura lang umano ito at accredited ng Department of Tourism (DOT) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang travel agency.

ADVERTISEMENT

"I checked on the website, 'yung travel website na iyon is DFA accredited. So I have no reason to doubt... Mura [din] kasi siya 4-star ang mga hotels o tourist spots," ani Arenas, na nagtatrabaho din sa isang travel agency.

Kinailangan pang magbayad ni Arenas, na taga-Iloilo, ng kaniyang pamasahe mula Maynila hanggang Hong Kong. Kinailangan pa aniya ng anak na lumiban sa klase para makasama ito.

Pero dalawang araw bago ang kanilang flight, bigla umanong nag-abiso ang travel agency na ikinansela ng Cebu Pacific ang kanilang flight dahil sa ASEAN summit, at dito na nagduda si Arenas.

"We scheduled it para maka-attend dito and ang dami nilang sinasabi na later on nalaman ko na parang puro talagang kasinungalingan," aniya.

Idinulog nito sa Cebu Pacific ang problema at kinumpirma mismo ng airline na confirmed lamang ang flight ngunit hindi umano ito binayaran ng naturang ahensya.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa Cebu Pacific, hindi sila nagkansela ng flight noong araw na iyon.

May mga kasamahan din umano si Arenas sa flight na nakapagpa-refund na ng kanilang ticket ilang linggo matapos itong ikansela. Giit n'ya, maaaring pinersonal siya ng travel agency dahil hindi niya gustong i-delete ang 1-star review na iniwan niya sa kanilang Facebook page.

"It's not fair with me kasi pera ko 'yun kasi qualified theft na 'yun. And until now pinapahirapan nila ako," ani Arenas na halos 2 taon nang naghihintay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dating idinulog ni Arenas ang isyu sa DOT ngunit hindi rin siya nakakuha ng tugon dito.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Rica Bueno, sinabi niyang maaaring masuspinde ang lisensya o mabawi ang lisensiya ng mga travel agency na hindi magpapa-refund.

ADVERTISEMENT

Sinubukang hingin ng ABS-CBN News ang panig ng Trajet Travel and Tours ngunit hindi sila sumasagot sa mga tawag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.