Tanod at waiter, arestado sa ilegal na droga sa Pasay
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tanod at waiter, arestado sa ilegal na droga sa Pasay
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2018 06:00 AM PHT

Arestado ang 2 lalaki, kabilang ang isang barangay tanod, matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Pasay City Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga nahuli na sina Primo Catalogo, isang waiter, at Renato Patenga, isang barangay tanod.

Base sa imbestigasyon, unang inaresto si Catalogo nang makasalubong ng mobile patrol sa Tramo Street.

"Nu'ng nakita niya 'yung pulis, bigla siyang lumiko. Nag-attempt na tatakbo. With that 'yung notions ng police na meron siyang contraband, kaya nila hinabol," ayon kay Chief Insp. Marvin Oloan, commander ng Pasay Police Community Precinct 3.

Narekober mula kay Catalogo ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Nang tanungin kung saan siya kumukuha ng shabu, itinuro naman ni Catalogo ang kapitbahay na si Patenga.

Nahulihan din si Patenga ng 2 sachet ng umano'y shabu sa suot nitong vest. Aminado namang gumagamit siya ng shabu.

"Konti-konti lang, parang pang-relax lang, pantrabaho lang . . . 'Di ko naman minahal 'yan, kung minahal ko 'yan 'yung bahay ko konkreto 'yan, kung nagtulak ako," aniya.

Sabi niya, ang asawa raw niya ang nagbebenta ng droga.

"Mahirap ang buhay. Maliit lang ang sweldo ko. May pinapakain pa kami sa Bicol. 'Yung asawa ko dumidiskarte na lang. Pero hindi ako pwedeng ma-involve," dagdag niya.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.