Pagpapalinis ng isda, bawal na sa palengke ng Baguio

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpapalinis ng isda, bawal na sa palengke ng Baguio

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

Photos courtesy of DNGS Albert Manangan

BAGUIO CITY - Ipinagbabawal na ang pagpapalinis at pagpapakaliskis ng mga isdang ibinebenta sa Baguio City Public Market simula sa Marso.

Napagkasunduan ng pamunuan ng palengke at mga nagtitinda ng isda sa palengke na huwag nang magkaliskis ng mga isda dahil kadalasan ang mga kaliskis at lamang loob ng mga isda ay napupunta sa drainage system ng palengke at nagiging sanhi ng pagbara at masangsang na amoy.

“Yung mga pwesto natin, wala silang running water to make their stall clean and obligasyon nila 'yun. So kailangan magkaisa sila na effective March 1, bawal na pong magkaliskis sa mga pwesto ng isda,” ani market supervisor Fernando Ragma.

Nakabase ang pagbabawal sa Ordinance Number 54-88 kung saan ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga basura sa mga drainage system, kanal, sapa, at mga ilog. Pagmumultahin ng P300 hanggang P1000 ang mga lalabag sa bagong patakaran, dagdag ni Ragma.

ADVERTISEMENT

Pasok rin ito sa mga probisyon ng Sanitation Code of the Philippines kung saan maaaring tanggalin ang pwesto sa palengke ng lalabag.

Ngunit reklamo ng mga mamimili, hindi sila kinonsulta ukol sa bagong patakaran.

"Syempre pagod ako [galling sa trabaho], ang gusto ko lang naman is lilinisin nila tapos iluluto ko lang. Maglilinis pa ako bago ko iluto?" ani Shan Abayao, isa sa mga namimili sa palengke.

Hindi rin pabor ang ibang tindera sa bagong patakaran.

"Paano na yng mga turista na bumibisita? 'Yung mga senior [citizens]?" ani Rebecca Abalos, isa sa mga nagtitinda ng isda.

"Okay lang 'yung plastik lang [ang bawal], wag lang sana 'yung paglilinis kasi mawawalan kami ng kita," ani Rose Bugarin

Bagamat may mga nagrereklamo, giniit ng mga awtoridad na tuloy na ang implementasyon ng patakaran na hindi na sana kakailanganin kung may disiplina ang mga nagnenegosyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.