Babae hinoldap sa QC; sekyung napatayo sa komosyon binaril ng salarin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae hinoldap sa QC; sekyung napatayo sa komosyon binaril ng salarin
ABS-CBN News
Published Mar 01, 2020 01:44 PM PHT
|
Updated Mar 01, 2020 06:10 PM PHT

MAYNILA — Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang mga holdaper na pumatay sa isang security guard matapos barilin ng isa sa kanila sa Quezon City.

Huminto ang motorsiklong sinasakyan ng 3 lalaking salarin sa tabi ng kalsada sa may Barangay Balingasa para holdapin ang isang babaeng call center agent, base sa kuha ng CCTV sa insidente noong madaling araw ng Biyernes.

Tinutukan ng baril ng isa sa mga holdaper ang babae kaya nakuha ang bag nito, base sa kuha.

Isang security guard ang napatayo sa kaniyang kinauupuan dahil sa komosyon pero bigla siyang binaril ng papatakas na salarin.

Sinugod ang guwardiya sa ospital pero idineklara rin siyang dead on arrival.

Tinitingnan na ng mga pulis ang iba pang CCTV footage sa lugar para matunton ang mga salarin. -- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
CCTV
holdap
pamamaril
Quezon City
TV Patrol
Kevin Manalo
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT