Kahera, patay sa saksak sa ulo sa inuupahang bahay sa Laguna

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kahera, patay sa saksak sa ulo sa inuupahang bahay sa Laguna

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 08, 2020 01:09 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang 20 anyos na kahera ang natagpuang patay sa kaniyang inuupahang apartment sa Biñan, Laguna nitong Sabado ng gabi.

Kuwento ni Liza Sanchez, ina ng biktima, Huwebes ng umaga noong nakaraang linggo niya huling nakausap sa cellphone ang anak na si Kimberly.

Sabado ng hapon ay nagulat na lang siya nang i-text ng supervisor ni Kimberly at sabihing dalawang araw na itong hindi pumapasok sa trabaho.

Nang kaniyang puntahan ang bahay ni Kimberly, nadatnan niyang nakaalambre na lang ang pinto at pagpasok sa loob ay tumambad ang nakadapa at duguang bangkay ng anak.

ADVERTISEMENT

"Sumiksik ako sa pinto para makapasok. Dun ako namulagat na nakadapa siya sa sahig na duguan. Eh di nag-hysterical na ako," ani Liza.

Kuwento pa ni Liza, tatlong beses nilang pinilit ang mga pulis na magpatawag ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang siyasatin ang insidente.

"Sabi sa amin hindi na raw kailangan ng SOCO dahil sila na raw ang bahala doon," hinaing ni Liza.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Biñan police, walang palatandaan ng forced entry sa bahay ng biktima at wala ring sensyales ng foul play.

Pero matapos suriin ng SOCO noong Linggo ang bangkay, lumalabas na mga saksak sa ulo ang ikinamatay ng biktima.

ADVERTISEMENT

Depensa ng Biñan police, maaaring marami pa talagang magbago mula sa kanilang inisyal na imbestigasyon kaya huwag daw sanang ikagalit ng pamilya ang unang report nila.

Nangako si Chief Inspector Mark Julius Rebanal, deputy chief ng Biñan police, na tututukan nila ang kaso.

"Actually ang nakatutok sa kaso na 'to ay hindi lang po ang istasyon na ito. Pati po ang ating provincial at regional offices are joining this effort," aniya.

Nanawagan naman si Liza kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Philippine National Police chief Bato Dela Rosa na tulungan silang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Kimberly.

May mga tinitingnan na ring persons of interest sa kaso ang mga pulis.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.