17 sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa Baclaran | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
17 sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa Baclaran
ABS-CBN News
Published Mar 09, 2018 10:08 AM PHT
|
Updated Mar 09, 2018 12:44 PM PHT

MANILA (UPDATED) – Nasa 17 katao ang sugatan sa naganap na karambola ng 11 sasakyan, Biyernes ng umaga sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon kay Rolly Venturado ng Parañaque Disaster Risk Reduction and Management Office, sa 17 na dinala sa San Juan de Dios Hospital, isa rito ay may malalang sugat sa ulo at katawan.

Tourist bus, inararo ang 10 sasakyan sa Roxas Blvd. northbound, Baclaran, Parañaque @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/fKXO03OB9A
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) March 9, 2018

Naunang binanggit ni Barangay Baclaran Ex-O Bong Comparativo na nasa 30 ang nasugatan sa aksidente pero ang iba ay nagsiuwian na dahil nagtamo lamang ng minor injuries.

Nakunan pa ni Bayan Patroller Joey Palogme ang karambola sa northbound lane ng Baclaran, Roxas Boulevard pasado alas-8 ng umaga.

Ayon kay SPO3 Christopher Nollido ng Police Community Precinct 1 ng Baclaran Police, hindi umano kumagat ang preno ng tourist bus na Classic Leisure International Travel and Tour may plakang TYT 831 kaya't nabangga nito ang mga sasakyan sa harapan.

Bukod sa tourist bus, sangkot sa road crash ang 4 na jeep, 3 UV Express, isang motorsiklo, isang SUV at isa pang bus.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang drayber ng bus na itu-turnover sa traffic sector ng Parañaque Police.

Naialis na rin sa lugar ang mga nasangkot na sasakyan sa karambola. May ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM