Hepe ng PNP, CIDG, puwede nang magpa-subpoena ng tao
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hepe ng PNP, CIDG, puwede nang magpa-subpoena ng tao
ABS-CBN News
Published Mar 10, 2018 03:17 AM PHT
|
Updated Nov 13, 2018 09:45 AM PHT

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapahintulot sa piling-piling opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mag-isyu ng subpoena para sa pagpapabilis ng imbestigasyon.

Sa ilalim ng Republic Act 10973, may kapangyarihan na ang PNP chief, gayundin ang director at deputy director for administration ng CIDG, na mag-isyu ng subpoena at subpoena duces tecum.

Ang subpoena ay isang kautusang naglalayong paharapin ang isang tao sa korte o kapulungan, habang ang subpoena duces tecum ay ang utos na pagpapalabas ng dokumentong kailangan sa isang imbestigasyon.

Ilan sa mga kritiko ng administrasyon ang kumondena dito dahil posible umanong maabuso ang pagbibigay ng dagdag na kapangyarihan sa pulisya.

Ayon kay Carlos Conde ng grupong Human Rights Watch, nakababahala ang bagong batas dahil kilala nang "abusado" ang pulisya sa Pilipinas.

"[It is] worrisome because it expands the power of an already abusive police force," aniya.

Ganito rin ang tingin ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

"This law would grant additional powers to the PNP-CIDG that can potentially be subjected to abuse and further human rights violations," ani Zarate.
Pero agad dumepensa si Presidential Spokesperson Harry Roque at nilinaw na tanging hepe lamang ng PNP at ang pinakapinuno ng CIDG ang may kapangyarihang maglabas ng subpoena.

"All I'm asking is for critics of the law is to accord the men in uniform the presumption of regularity," ani Roque.

Dagdag pa niya, maaari namang magreklamo kung sakaling magkaroon nga ng abuso sa naturang batas.

"There are already existing laws for abuse of power, [like] the revised penal code and also the graft code in case they cause damage to other individuals because of the whimsical manner of issuing subpoena," giit ni Roque.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
subpoena
subpoena duces tecum
PNP
CIDG
Human Rights Watch
Philippine National Police
Criminal Investigation and Detection Group
Republic Act 10973
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT