Buko vendor, inireklamo ang nanakit na MMDA enforcers

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buko vendor, inireklamo ang nanakit na MMDA enforcers

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Inireklamo ng isang buko vendor ang 3 traffic enforcers na nanakit sa kanya sa clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Naghain ng reklamong physical injuries at threat sa piskalya ng Pasig ang buko vendor na si Romnick Relos laban sa enforcers na sina Victor Jimenez, Jonathan Bregente at Leonard Mojica.

Nakunan sa video ang insidente at nag-viral pa sa social media nitong unang linggo ng Marso.

Iginiit ng tindero na nakiusap siyang huwag na itaob ang kaniyang kariton at kusa na lamang siyang aalis. Pero ayon sa mga enforcer, pinagmumura at binato umano sila kaya gumanti sila sa buko vendor.

ADVERTISEMENT

Nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group - Detective Special Operations Unit si Relos na inaresto noong nakaraang linggo dahil sa kaso umano ng pagpatay noong 2008.

Matapos ang pagsasampa ng reklamo, ihaharap naman ng CIDG sa korte sa Masbate si Relos para sa kinakaharap na kaso.--ulat mula kay Maan Macapagal, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.