Sugatang pulis sa engkuwentro laban sa NPA, ginawaran ng medalya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sugatang pulis sa engkuwentro laban sa NPA, ginawaran ng medalya

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

Ginawaran ni PNP Dir. Gen. Oscar Albayalde si Corp. Erpeel Lapniten ng Medalya ng Sugatang Magiting Award sa Benguet General Hospital nitong Sabado. ABS-CBN News

Ginawaran ng medalya ang isang pulis matapos masugatan sa sagupaan laban sa rebeldeng New People's Army (NPA) sa Bauko, Mt. Province nitong Biyernes.

Mismong si Police General Oscar Albayalde ang nagbigay ng Medalya ng Sugatang Magiting Award kay Corp. Erpeel Lapniten sa Benguet General Hospital nitong Sabado.

"Tinitingnan din natin at baka pwede syang irecommend ng kaniyang immediate superior for promotion," ani Albayalde.

Emosyonal ang kaniyang kaanak na itinuturing na ikalawang buhay ang pagkakaligtas ni Lapniten mula sa sagupaan.

ADVERTISEMENT

"We are overwhelmed kasi mismong si Chief PNP po ang nandito and then parang sa second life ng kuya namin we are thankful na siya po ang nag-award ng medal," ani Karen Lapniten, kapatid ng pulis.

Nakatakda ring bisitahin ni Albayalde ang pamilya ni Patrolman Wilfredo Padawil, na nasawi sa engkuwentro.

"Well of course, bibigyan din ng award yun at yung kaniyang benefits, ibibigay natin yung assistance," ani Albayalde.

Patuloy din ang operasyon para matugis ang mga miyembro ng rebeldeng grupo.

"Continuous pa rin yung operation at hindi tayo titigil. Sabi ko nga, kailangan ay maubos na yan at matapos na itong insurgency," ani Albayalde.

Paniniwala ni Albayalde hindi lahat ng mga nakasagupaan ng mga pulis na miyembro ng NPA ay taga-Bauko. Aniya, possibleng mula ang mga ito sa Cagayan Valley at nagre-group para hindi madaling matugis ng mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.